Regione Toscana
Identification Card (dokumentong Italyano ng pagkakakilanlan) / Carta d’Identità

Identification Card (dokumentong Italyano ng pagkakakilanlan) / Carta d’Identità

Gusto kong makakuha ng Carta d’Identità o Identification Card (dokumento ng pagkakakilanlan) / Voglio chiedere la carta d’identità

Para saan ito? / A cosa serve?
Ang carta d’identità ay isang dokumento ng pagkakakilanlan at magagamit ito upang patunayan kung sino ka. (halimbawa, para may kuhaning sulat mula sa post office o upang kunin ang risulta ng mga medical examinations mula sa ASL)

Ano ang nilalaman nito? / Come è fatta?
Nakasulat dito ang apelyido, pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan, citizenship at address kung saan nakadeklarang naninirahan.
Maaari itong gawa sa karton o isang magnetic card tulad ng ATM card.

Kailan ko ito maaaring kunin? / Quando posso chiederla?
Kapag ikaw ay may permit of stay na hindi expired, residente sa Italia at nakarehistro sa Ufficio Anagrafe ng Comune kung saan ka naninirahan.

Saan ko ito makukuha? / Dove devo chiederla?
Sa Ufficio Anagrafe ng iyong Comune. (hanapin ang impormasyon mula sa bahagi ng website na “Servizi del Comune” o mga serbisyo ng Comune) (ricerca informazioni dalla sezione “Servizi del Comune) (Para sa mga residente ng Comune ng Firenze, maaari itong kunin sa mga tanggapan ng Comune na tinatawag na PAD, tingnan sa website na http://servizi.comune.fi.it/servizi/scheda-servizio/punti-anagrafici-decentrati

Pwede ko ba itong kunin para sa aking anak na menor de edad o wala pang 18 taong gulang? / Posso chiederla per mio figlio minore di 18 anni?
Oo per dapat parehong pupunta ang mga magulang sa Ufficio Anagrafe.

Maaari ko ba itong magamit para magbyahe palabas ng Italya? / Posso usarla per viaggiare?
Hindi. Para sa mga pagbabiyahe palabas ng Italya, kailangan mong dalhin ang iyong passport.

Aggiornamento: febbraio 2019

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione