Regione Toscana
Pagiging residente o pagpaparehistro bilang residente sa Comune na tinitirahan / Residenza

Pagiging residente o pagpaparehistro bilang residente sa Comune na tinitirahan / Residenza

Kailangan kong magpa-rehistro ng pagkaresidente o magpalit ng residenza (address ng bahay kung saan ako nakatira) / Devo chiedere o cambiare la residenza (l’indirizzo della casa in cui abito)

Kailan ako dapat magparehistro ng pagiging residente sa unang pagkakataon? / Quando devo chiedere la residenza per la prima volta?
•    Kapag ikaw ay bagong dating sa Italya gamit ang Visa na mas matagal sa 90 araw at nag-apply ka diretso sa Questura na magkaroon ng permit of stay o nagpadala ng application sa  Post Office gamit ang kit postale.

Kailan ako dapat mag-apply ng pagpapalit ng residenza o pagpapalit ng nakarehistrong address na tinitirahan? / Quando devo chiedere il cambio di residenza?
•    Kapag nakarehistro ka na dati pa bilang residente sa isang Comuneng Italyano at gusto mong lumipat ng address na nasa ibang Comune;
•    Kapag nagpalit ka ng tinitirahan pero doon pa rin sa parehong  Comune;
•    Kapag ikaw ay nabura sa rehistro ng Comune dahil hindi ka natagpuan sa bahay ng municipal police (na nagpunta sa iyong tirahan upang sigurahin na doon ka nga nakatira).

Saan ako dapat mag-apply sa unang pagkakataon? / Dove devo chiedere la residenza per la prima volta?
Sa Tanggapan ng Anagrafe ng Comune kung saan ka nakatira.

Ano ang gagawin ko kung nagpalit ako ng residenza o address na tinitirahan? / Cosa devo fare se ho cambiato residenza?
Kailangan mong magpunta agad sa Tanggapan ng Anagrafe ng Comune kung saan matatagpuan ang iyong bagong bahay, sa oras na nakalipat ka na sa bagong address. Huwag kalimutan na isulat sa doorbell at sa post box ang iyong apelyido. Maaari mong matanggap ang iyong mga sulat o packages sa bago mong address gamit ang serbisyong “Seguimi” ng Poste Italiane.

Ano ang dapat kong dalhin sa Tanggapan ng Anagrafe ng Comune? / Cosa devo portare all’Ufficio Anagrafe del Comune?
Kailangan mong dalhin, ang orihinal at photocopy, para sa iyo at sa mga kapamilya mo, ng mga sumusunod na dokumento:
•    Pasaporte na hindi expired (o ibang dokumento ng pagkakakilanlan);
•    codice fiscale;
•    permit of stay na hindi expired;
•    resibo ng pagpapadala ng application ng permit of stay sa post office;
•    resibo ng application ng permit of stay mula sa Questura kung diretso sa Questura ka nag-apply nito.
1.    Kung ikaw ay “ospite” o bisita/pinapatuloy sa bahay, kailangan mong dalhin ang mga sumusunod:  consent form ng tao (kung sino ang nakarehistro sa kontrata ng renta ng bahay) na nagpapatuloy sa’yo at photocopy ng kanyang identification card o dokumento ng pagkakakilanlan.
2.    consent form ng may-ari ng mismong bahay at  photocopy ng kanyang identification card o dokumento ng pagkakakilanlan.

May iba pa bang paraan para sa pag-apply ng pagpaparehistro bilang residente o pagpapalit ng address na nakarehistro? / C’è un altro modo per chiedere o cambiare la residenza?
Oo, maaari mong ihanda ang mga kinakailangang dokumento at ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng  lettera raccomandata A/R (registered mail na may resibo ng pagpapadala at pagkatanggap) o kaya naman ay ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng email sa PEC (posta elettronica certificata) ng Comune, pero kailangan mo munang manghingi ng mga impormasyon sa tanggapan ng Anagrafe ng iyong Comune bago ipadala ang mga ito.

Para sa mga impormasyon / Per informazioni
Tanggapan ng Anagrafe ng Comune

Aggiornamento: febbraio 2019

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione