Regione Toscana
Certificato di Idoneità Alloggiativa o pagpapatunay ng pagiging angkop at naaayon sa batas ng isang tirahan / Certificato di idoneità alloggiativa

Certificato di Idoneità Alloggiativa o pagpapatunay ng pagiging angkop at naaayon sa batas ng isang tirahan / Certificato di idoneità alloggiativa

Kailangan ko ng isang dokumento na nagsasabi kung ilang tao ang maaaring manirahan sa bahay kung saan ako naninirahan / Ho bisogno di un documento che dice quante persone possono abitare nella casa dove vivo.

Ano ang dapat kong gawin? / Cosa devo fare?
Kailangan mong mag-apply upang makakuha ng “Idoneità Alloggiativa”

Para saan ang “Idoneità Allogiativa” ? / A cosa serve l’idoneità alloggiativa?
•    kailangan ito upang makapirma sa “contratto di soggiorno” para sa pagtatrabaho bilang dipendente kung ikaw ay dumating sa Italia gamit ang work visa;
•    kailangan ito para makapag-apply at mabigyan ng long term o pang-matagalang permit of stay kung may mga ka-pamilyang “carico” o nakadipende sa’yo;
•    kailangan ito para sa “ricongiungimento familiare” o pag-petisyon sa Prefettura o sa Questura na makapiling ang kapamilya.

Paano ko ito makukuha? / Come faccio per averla?
Kailangan mong magpunta sa Comune kung saan ka residente at dalhin ang mga reqiuirements na kakailanganin.

Anong mga dokumento ang dapat kong dalhin? Quali documenti devo portare?
Siguradong kailangan ang mga sumusunod na mga dokumento:
•    Orihinal at photocopy ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan na hindi expired (carta d’identità o pasaporte)
•    Kung ito ay para sa unang pagpasok para sa pagtatrabaho o para sa pag-aaral, kailangan mo ring dalhin ang kopya ng iyong Entry Visa na nasa iyong pasaporte.

Ano pang mga dokumento ang dapat kong dalhin? / Quali altri documenti devo portare?
Para malaman kung ano pa ang ibang kailangan, magpunta sa website ng Comune kung saan ka residente o makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng Comune. (hanapin ang impormasyon mula sa bahagi ng website na “Servizi del Comune” o mga serbisyo ng Comune) (ricerca informazioni dalla sezione “Servizi del Comune”)

Aggiornamento: febbraio 2019

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione