Regione Toscana
Permit to stay para sa pag-aaral, training o internship / Permesso di soggiorno per studio, formazione o tirocinio

Permit to stay para sa pag-aaral, training o internship / Permesso di soggiorno per studio, formazione o tirocinio

Ang isang tao na mayroong Visa upang makapag-aral o para sa internship visto per motivi di studio o tirocinio  o kaya naman ay may permit to stay para makapag-aral na iginawad ng isa sa mga bansa na nasa Schengen Area Area Schengen , kung nais makapag-aral sa unibersidad o kaya sa high school o kursong professional o mag internship na tatagal sa higit sa 3 buwan.

Anong dapat gawin? / Cosa devo fare?
Dapat humingi ng permit to stay para makapag-aral, training o internship.

Kaylan dapat mag apply? / Quando devo fare la domanda?
Dapat mag apply sa loob ng 8 araw mula sa pag dating sa Italya.

Anong mga kailangang dokumento? / Quali documenti mi servono?
•    1 marca da bollo  na halagang 16 €.
•    Xerox copy ng passport (lahat ng pahina, maliban sa mga blangko).
•    Xerox copy ng dokumento ng pre-enrollment na nagpapakita ng kurso na nais pasukan, na may tatak ng Embahada o Konsuladong italyano sa Pilipinas  sa oras ng pagbibigay ng Visa upang pumasok sa Italya.
•    Xerox copy ng pag-eenroll sa kurso.
•    Xerox copy ng health insurance sa pagkaka-sakit o sa aksidente, na valid sa Italya sa buong panahon ng pag-aaral.
•    Ipakita ang mapagkukunan ng pangangailangan para sa panahon ng pananatili sa Italya (halimbawa scholarship, credit card, aktibong bank account….)
•    Sa kaso ng internship : xerox copy ng internship project.
•    Resibo ng pagbabayad ng permit to stay pagamento del permesso di soggiorno
Paunawa: kung ang hawak mong permit to stay ay iginawad ng isang bansa na kasakop ng Schengen Area Area Schengen kailangan din:
•    Dokumento na nag-papatunay na kasali sa isang exchange program o awtorisasyon  upang maka pamalagi sa isang bansa ng European Union upang makapag-aral sa panahon na hindi bababa ng 2 taon.
•    Dokumento na nag-papatunay na ang bagong programa ng pag-aaral sa Italya ay nararapat para ma kumpleto ang programa ng pinag-aralan na  sa ibang bansa. Itong dokumento ay dapat iginawad ng Unibersidad ng Bansa ng European Union kung saan ka nakapag-aral na.

Anong ang dapat gawin sa pag a-apply? / Come devo fare la domanda?
1.    Magtungo sa Sportello amico  ng Post Office at kumuha ng kit ( isang envelope, ang form at ang mga instruction).
2.    Ikumpila  ang form at ipadala ang application at ang mga mahahalagang papeles.
Paunawa: kung kailangan ng tulong upang mag apply pwedeng magtungo sa tanggapan ng imigrasyon sa munisipyo Sportello Immigrazione del tuo Comune,  sa Patronato o sa CAF(Centro Assistenza Fiscale) .
3.    Ang Post office ang mag sasabi kung kaylan dapat pumunta sa Questura para sa unang patawag at sila din ang mag bibigay ng resibo na pinagbayaran para sa apply ng permit to stay. Paunawa: mahalaga ang resibo na galing sa post office, ito ang nag papatunay na pwede kang manatili sa Italya.
4.    Pumunta sa Questura sa araw na ibinigay para sa unang patawag at magdala ng 4 na litrato (2 x 2). Pagkatapos ay kukunan ng finger print.
Paunawa: kung ang iyong edad ay higit sa 16 na taong gulang at nakapag-apply na  ng permit to stay na 1 taon o higit pa, sa Questura ay dapat pirmahan ang Kasunduan para sa Integrasyon
5.    Ang Questura  ay magpapadala ng mensahe (txt) para ibigay ang araw na dapat pumunta sa Ufficio Immigrazione ng Questura para kunin ang permit to stay.
Paunawa: pwede rin makatanggap ng sulat na kung hindi na aprobahan ang apply ng permit to stay.

Para sa mga paalaala:
Questura (Ufficio Immigrazione)

Aggiornamento: febbraio 2019

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione