Regione Toscana
Nullaosta al ricongiungimento familiare - tagalog

Nulla Osta para sa “Ricongiungimento Familiare” o pagpetisyon upang makapiling ang kapamilya
(Nullaosta al ricongiungimento familiare)

Sino ang maaaring magrequest nito
Sinumang regular na naninirahan sa Italya, nagta-trabaho at may tirahan, ay maaaring magpetisyon upang makapiling ang kanyang mga ka-pamilya.

Ano ang mga requirements na dapat ihanda ng magpe-petisyon

  • Sapat na sweldo: hindi bababa sa katumbas ng taunang “assegno sociale”, na dadagdagan ng kalahati ng halaga nito para sa bawat tao na ipe-petisyon (halimbawa: sa taong 2015, ang kailangang total ng taunang sweldo para sa pag-petisyon ng isang kapamilya ay dapat € 8.746,14 at € 11.661,52 para sa 2 kapamilya, ecc.)
  • tirahan: sa oras na magpasok na ng request, kailangang maipakita ang pagkakaroon ng isang matutuluyan, sa pamamagitan ng kontrata ng bahay at “certificato di idoneità alloggiativa” (sertipiko ng pagiging angkop sa regulasyon ng tirahan) na ibinibigay ng Munisipyo (Comune).

Aling mga kapamilya ang maaaringi-petisyon

  • asawa na hindi legal na hiwalay at may edad na mula 18 taon
  • mga anak na menor de edad sa legal na asawa o mga hindi lehitimo, at hindi pa kasal (dapat may consent isa pang magulang)
  • mga anak na may edad na higit sa 18 taon na umaasa pa rin sa magulang, ngunit sa natatanging kondisyon na hindi nito kayang mamuhay mag-isa dahil sa malubhang karamdaman (lubos na imbalido)
  • mga magulang na sinusuportahan:
  • hanggang sa 65 taon: kung wala silang ibang anak sa pinang-galingang bansa at sila ay lubusang nakadipende sa anak na nasa Italya (dapat ay wala silang sariling kinikita)
  • mahigit sa 65 taon: kung ang ibang anak ay walang posibilidad na masustentuhan ang mga magulang dahil sa malubhang kadahilanan na pangkalusugan, na kokontrolin ng Italian Embassy sa bansang panggagalingan.

Paano mag-apply
Ang nulla osta (o dokumentong nagpapatunay na walang balakid o hadlang o anumang problema) sa pagpetisyon ng pamilya mula sa sariling bayan ng aplikante ay maaaring makuha sa pamamagitan ng isang online procedure ng pag-connect sa website ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal) na https://nullaostalavoro.interno.it 

Naaaring magpa-tulong sa pagsusumite ng mga aplikasyon sa mga Comuni (mga nakalaang tanggapan ng munisipyo), mga patronato o mga samahan na nag-aalok ng mga ganitong serbisyo.

Ano ang gagawin kapag nakarating na sa Italya ang kapamilya na pinetisyon

Sa loob ng 8 araw mula sa pagdating sa Italya ng migrante: makipag-ugnayan sa Sportello Unico para sa Imigrasyon upang humingi ng appointment para sa pagre-request ng permit to stay ng kamag-anak na dumating sa Italya.

Ano ang dapat gawin pagkatapos ng appointment sa Prefettura – Sportello Unico para sa Imigrasyon

Pumunta sa mga sumusunod na lugar:

  • Poste Italiane: Ipadala ang postal kit na naglalaman ng request para sa pagkakaroon ng permit to stay ng kapamilya
  • Munisipyo ng Kinatitirahan: mag-request ng pagpapatala sa registry ng munisipyo
  • ASL: mag-request ng pagpapatala sa Pambansang Serbisyo para sa Kalusugan
  • Questura: pumunta sa araw ng appointment para sa finger print at pagkuha ng permit to stay