Regione Toscana
FAQ ricongiungimento - tagalog

Mga tanong at mga sagot tungkol sa pagkuha ng “Nulla osta” sa pag-petisyon ng kapamilya (Domande e risposte sul nullaosta al ricongiungimento familiare)

1. Saang Sportello Unico dapat i-submit ang pagkuha ng “Nulla Osta”?
Ang pagsusumite ay ginagawa online at sa paraang ito, electronically, ipapadala ang request sa kinauukulang Sportello Unico.

3. Dapat bang i-submit ang original ng “Certificato di Idoneità Alloggiativa” (dokumento na nagpapatunay na ang bahay ay akmang maging tirahan at sumusunod sa panuntunan), na iginawad ng mga kinauukulang tanggapan ng munisipyo?
Oo.

4. Saan maaaring kumuha ng “Certificato di Idoneità Alloggiativa”?
Ito ay maaaring makuha sa munisipyo na sumasakop sa lugar kung saan matatagpuan ang bahay.

5. Ano ang dapat ihanda upang maipakita na ang kontrata ng bahay ay na-renew na?
Kopya ng Modello F23 na kaugnay ng pagbabayad sa Tanggapan ng talaan ng taunang bayad ng buwis.

6. Ano ang dapat i-handa kung halimbawang kailangang isama ang sweldo ng ibang myembro ng pamilya na nakatira rin sa bahay kasama ng nag-pepetisyon?
Kailangang maipakita ng ka-pamilyang kasama sa bahay ang kanyang sinusweldo sa pamamagitan ng mga dokumento na may kinalaman sa kanyang trabaho.

7. Kanino dapat isumite ang mga dokumento tungkol sa sitwasyon ng pamilya?
Kapag mag-aapply na ng visa upang makapasok sa teritoryong Italyano ang myembro ng pamilya na pinepetisyon at ikinuha ng Nulla Osta, oras na natanggap na niya ang nasabing nulla osta, kailangang i-submit niya sa embahada/konsuladong italyano sa sariling bansa ang mga dokumento / sertipikado na nagpapatunay ng relasyong pampamilya, kasal, pagiging menor de edad at lahat ng mga dokumento ng civil status na kinakailangan, translated at legalized (naisalin na sa wikang italyano at binigyan ng legal na bisa).

8. Ano ang mangyayari kung ang mga hinihinging dokumento ay hindi available, dahil sa pagkukulang ng mga nauukol na awtoridad ng banyagang bansa o kaya naman ay kawalan ng kinakailangang integridad nito?
Ang dokumento na kinakailangan ay igagawad ng embahada na kumakatawan sa bansa na pinanggalingan (o ng kinauukulan) ng kapamilya, ayon sa DNA examination na gagawin; ang gastos ay babayaran ng pamilyang nasasangkot.

9. Paano mapapatunayan ang estado ng kalusugan ng mga anak na mayor de edad na naka-dipende pa rin sa mga magulang dahil sa problemang pang-kalusugan?
Sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa doktor na hinirang ng kinatawan ng embahada/konsulado ng Italya sa banyagang bansa na pinagmulan ng kapamilya na pine-petisyon. Ang gastos ay babayaran ng nasabing pamilya.

10. Paano iginagawad ang Nulla Osta?
Kapag nasuri na at na-sigurado na kumpleto at maayos ang mga dokumento na ipinasa, ang aplikante (ang nagpepetisyon na makapiling ang kapamilya) ay tatawagan upang magpunta sa Sportello Unico para sa Imigrasyon (pinag-isang tanggapan para sa mga bagay na may kinalaman sa imigrasyon), upang magdala ng isang marca da bollo na may halagang € 16.00.

Para sa mga applications na ipinasok mula noong January 27, 2014, hindi na ibinibigay ang mismong papel na Nulla Osta, kundi isang pahayag na ito ay ipinadala na electronically ng Sportello Unico sa kinauukulang embahada o konsulado sa bansa ng aplikante.

Ang aplikante ay bibigyan din ng isa pang papel na naglalaman ng numero ng telepono ng Sportello Unico na dapat tawagan upang kumuha ng appointment para sa susunod na pagpapapunta ng kapamilyang pinetisyon sa tanggapan ng Prefettura para sa pag-aapply naman ng permit to stay. Kailangan itong gawin, 8 araw mula sa pagpasok sa teritoryong Italyano.

11. Hanggang gaano katagal maaaring magamit ang Nulla Osta?
Ito ay may bisa at maaaring gamitin sa loob ng 6 na buwan mula sa araw ng pagkakabigay.

12. Maaari bang mag-delegate na lamang para sa pagkuha ng nulla osta?
Para sa mga procedures bago ang January 27, 2014, ang Nulla Osta ay maaaring ibigay sa isang tao na may hawak na notarized power of attorney, maliban na lamang kung asawa o diretsong kamag-anak o collateral relative hanggang sa ikalawang grado, na maaaring magdala lamang ng simpleng pahayag ng pagtatalaga (delegasyon).

Para sa mga applications na ipinadala simula January 27, 2014, nakatakda ang pagbibigay ng isang pahayag kung saan nakasulat ang pag-gawad ng Nulla Osta para sa pagkuha ng kapamilya. Ang naturang pahayag ay maaaring ibigay sa isang tao na may hawak na simpleng delega o pagtatalaga, kasama ang photocopy ng identification card ng aplikante na nagtalaga.
 

13. Ano ang dapat gawin ng isang banyagang mamamayan kapag natanggap na niya ang nulla osta?

Mga applications na ipinadala bago ang January 27, 2014: ipadala ang nulla osta sa kapamilya na nasa bansang pinanggalingan, na siyang pupunta sa embahada o konsuladong italyano upang makapag-request ng Visa para sa family reunification at magsumite ng mga dokumento na nagpapatunay ng relasyon ng pamilya.

Mga applications na ipinadala pagkatapos ng January 27, 2014: hindi na ibibigay ang mismong papel na Nulla Osta, kundi isang pahayag na nagpapatunay ng pagkakagawad ng Nulla Osta; ang kapamilya ay dapat mag-apply upang makakuha ng Visa para sa pagpasok sa teritoryong italyano sa loob at hindi lalagpas sa 6 na buwan mula sa araw ng pagkakabigay ng pahayag.

14. Saan dapat i-submit ang Visa application para sa family reunification?
Sa embahada o konsuladong italiano na nasa bansang pinanggalingan o kasalukuyang pinaninirahan ng nagpepetisyon.

15. Ano ang dapat laman ng application para sa pagkakaroon ng Visa at anu-anong mga dokumento ang dapat na naka-attach dito?
Dapat ay nakasulat sa application ang kumpletong pangalan ng kapamilya na gustong i-petisyon at ang mga datos ng pasaporte o anumang katumbas na dokumento para sa paglalakbay (dokumento ng paglalakbay para sa mga walang sariling bansa, dokumento ng paglalakbay para sa mga refugees, dokumento ng paglalakbay para sa mga dayuhan na hindi makakuha ng wastong dokumento para makapaglakbay, United Nations Laissez-passer o individual documents na ibinigay ng isang Nato Headquarters, mula sa awtoridad ng bansa kung saan sila ay mamamayan.)

16. Kailan at paano ibinibigay ang Visa ng pagpasok sa teritoryo?
Bago lumipas ang 30 araw mula sa pagsusumite ng application para sa Visa.

17. May ibinibigay pa bang ibang dokumento ang embahada o konsulado kasama ng Visa ng pagpasok sa teritoryo?
Oo, isang pahayag na nakasulat sa wika na maiintindihan ng nag-apply ng visa (o kung wala sa sariling wika ay nakasulat naman sa ingles, pranses, espanyol o arabo) na nagpapaliwanag ng kanyang mga karapatan at mga katungkulan kaugnay sa kanyang pagpasok at pananatili sa Italia, maging ang obligasyon na magpunta sa Sportello Unico para sa Imigrasyon bago lumipas ang 8 araw mula sa pagpasok sa teritoryo.

18. Kanino dapat ipaalam ng embahada o ng konsulado ang pagre-release ng Visa sa aplikante?
Sa Sportello Unico para sa Imigrasyon, sa pamamagitan ng electronic transmission.

19. Ano ang dapat gawin ng taong magpapatuloy sa taong pinetisyon?
Magbigay ng isang nakasulat na pahayag, sa loob ng 48 na oras, sa lokal na awtoridad ng pampublikong kasiguraduhan, tungkol sa pagbibigay ng matutuluyan o paglilipat ng pagmamay-ari ng property, panlalawigan o pang-lunsod, sa taong dumating, kahit na kamag-anak o anumang katulad nito.

Ito ay dapat naglalaman ng kumpletong pangalan ng nagpapahayag at ng taong dumating, mga datos ng pasaporte o ng dokumento ng pagkakakilanlan na nauukol sa kanya, ang eksaktong kinaroroonan ng bahay na ibinigay o kung saan naninirahan o pinapatuloy ang taong bagong dating at ang dahilan kung bakit kailangan ang pahayag. Ang hindi pagsunod dito ay maaaring maging daan upang mamultahan ng halagang mula € 160 hanggang € 1.100.

20. Mula kanino at paano ibinibigay sa aplikante ang desisyon ng pagtanggi na mabigyan ng Visa?
Ito ay magmumula sa mga awtoridad ng embahada o ng konsulado na may nakasulat na desisyon at kadahilanan nito, at naglalaman rin ng indikasyon ng mga paraan kung paano maaaring umapila, halimbawang wala ang mga kinakailangan para sa procedure na nabanggit sa itaas o kung may nagreresulta na mga napatunayang mga hatol sa unang grado, halimbawa ay mga krimen na kinasasangkutan ng bawal na gamot, kalayaang sekswal, pagiging pabor at pagtulong sa hindi legal na imigrasyon (aiding and abetting of illegal immigration) patungo sa Italia at ilegal na imigrasyon mula Italya patungo sa ibang bansa o mga krimen na kinasasangkutan ng pangangalap ng mga tao para sa prostitusyon o pagsasamantala sa prostitusyon o mga menor de edad na pagagawain ng mga ilegal na aktibidad.

Kung hindi nakakaintindi ang aplikante ng wikang italyano, ang desisyon ay sasamahan ng pagsasalin-wika na kanyang maiintindihan o sa wikang ingles, pranses, espanyol o arabo, ayon sa kagustuhan ipinahayag ng taong interesado.

21. Maaari bang makakuha ng nulla osta para sa family reunification ang mga aplikante na walang sariling kinikita?
Oo, halimbawang ang nagpepetisyon ay walang sariling kinikita, maaari ring i-consider ang sweldo ng asawa o ng kapamilya na kasama sa bahay na tinitirahan, basta magkakasya.

22. Maaari bang mag-request ng Nulla Osta para sa family reunification ang mga mamamayan ng mga bansang hindi kasali sa european union at kinikilalang mga refugee at may hawak na permit to stay para sa asylum at mga mamamayan ng mga bansang hindi kasali sa european union na may karapatan sa subsidiary protection?
Oo at sila ay hindi obligadong magpakita ng pagkakaroon ng sweldo at tirahan.

23. Anu-ano ang mga dokumento ng pagkakakilanlan na katumbas ng pasaporte?
Ang mga sumusunod na dokumento ng pagkakakilanlan ay maaaring katumbas ng pasaporte:

  • dokumento ng paglalakbay para sa mga walang sariling bansa;
  • dokumento ng paglalakbay para sa mga refugees;
  • travel documents para sa mga dayuhan (na hindi makakuha ng valid na dokumento para makapaglakbay mula sa Awtoridad ng bansa kung saan siya ay mamamayan);
  • United Nations Laissez-passer;
  • individual document na galing sa Nato Headquarters na ibinigay sa militar na tauhan ng isang puwersa ng NATO;
  • seaman's book na iginagawad sa mga mandaragat upang maisagawa nila ang mga aktibidad ng kanilang propesyon;
  • Air navigation document;
  • dokumento ng pagkakakilanlan na may bisa para sa pag-expatriate para sa mga mamamayan ng isang bansa na kabilang sa European Union.
  • Dokumento ng pagkakakilanlan at ibang mga dokumento ng mga mamamayan ng mga bansa na kasali sa "Accordo Europeo sull’abolizione del passaporto" o European Agreement on the Abolition of Passports (na pinirmahan sa Paris noong ika-labing tatlo ng disyembre 1957)

24. Ano ang dapat gawin ng kapamilya na nasa banyagang bansa sa sandaling matanggap na niya ang Nulla Osta?
Magtungo sa embahada o konsuladong italyano upang i-submit ang application para sa pagbibigay ng Visa papunta sa Italya, kasama ang mga dokumento na ipinadala sa kanya ng kapamilya na nag-pepetisyon at mga dokumentong nagpapatunay ng relasyong pampamilya.
 

25. Ano ang dapat gawin ng mga kapamilya ng nagpepetisyon sa sandaling makarating na sila sa Italya gamit ang Visa para sa family reunification?
Bago matapos ang 8 araw mula sa pagdating sa Italya ay dapat makipag-ugnayan sa Sportello Unico para sa Imigrasyon na magbibigay ng mga sumusunod na dokumento:

  • certificate na nag-a-assign ng tax code
  • pirma sa Kasunduan para sa Integrasyon at appointment para sa unang training seminar
  • Postal kit para sa application ng pagkakaroon ng permit to stay para sa dahilan na pampamilya.

Kapag naipadala na ang postal kit sa Post Office, siya ay makakatanggap ng abiso ng araw ng pagpunta sa Questura para sa finger-printing at pagkatapos ay isasagawa na ang pagbibigay o kaya naman ay pag-reject sa paghingi ng permit to stay para sa pampamilyang dahilan.