Regione Toscana
pds UE - tagalog

Pangmatagalang permit to stay EU(Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo)

Ano ito
Ang Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo (o pangmatagalang pahintulot ng pananatili) ay isang dokumento na nagpapahintulot sa isang mamamayan na mula sa mga bansa na hindi kabilang sa european union na:

  • makapasok sa Italya ng walang visa

  • magsagawa ng mga aktibidad bilang manggagawa o pansarili (maliban para sa mga bagay na nakalaan lamang para sa mga mamamayang Italyano)

  • makakuha ng benipisyo ng:

    • assistance/tulong at social security

    • mga may kaugnayan sa pamamahagi ng mga bagay na pang-kalusugan, pang-edukasyon at panlipunan

    • makilahok sa pampublikong pamumuhay na lokal sa paraang naaayon sa batas

Sino ang pwedeng pagkalooban nito
Sinoman na:

  • may hawak ng valid na permit to stay sa panahong hindi bababa sa 5 taon na ipinagkaloob ng Italia
  • may kinikitang hindi bababa sa taunang "assegno sociale"
  • nakapasa sa pagsusulit sa kaalaman ng wikang italyano (may mga pagkakataon na hindi na kailangan gawin ang pagsususlit) si link scheda test conoscenza lingua italiana tradotta

Hindi pananatali sa pambansang teritoryo

Ang hindi pananatili sa Italya ay hindi dahilan upang maputol ang nasabing tagal na 5 limang taon at makakasama sa bilang sa mga sumusunod na kaso:

  • kung mas mababa sa 6 na magkakasunod na buwan at hindi hihigit ng 10 buwan sa loob ng 5 taon
  • kung, kahit na humigit sa 10 buwan, ang dahilan ay para sa pagtupad ng mga obligasyong militar o mga mahalagang dahilan at dokumentadong rason ng kalusugan o iba pang mga seryosong kadahilanan.

Sino ang hindi pwedeng humiling nito

Ang Pangmatagalang Permit to Stay UE ay hindi maaring hilingin ng sinuman na:

  • nananatili para sa pag-aaral o vocational training
  • nananatili para sa pansamantalang proteksyon o sa humanitarian reasons o nakahingi na ng pahintulot para sa mga katulad na dahilan at naghihintay na ng desisyon ukol dito
  • huminingi ng proteksyong internasyonal at naghihintay pa ng depinitibong desisyon ukol dito
  • may panandalian lamang na residence permit
  • mayroong legal na estato na sinasaklaw ng Vienna Convention of 1961 on Diplomatic Relations, ng Vienna Convention on Consular Relations of 1963, ng Convention of 1969 on Special Missions o ng Vienna Convention of 1975 on the Representation of States in their Relations with International Organisations of universal renown.

Kanino hindi pwedeng ibigay ito
Ang pangmatagalang permit to stay EU ay hindi maaaring ibigay sa sinuman na itinuturing na panganib sa pampublikong kaayusan o kaligtasan ng estado

Paano ito makukuha
Para makakuha nito, maaaring pumunta sa mga post offices kung saan ipinamimigay ng libre ang kinakailangang mga form, o sa mga Comuni (mga nakalaang tanggapan ng munisipyo) at mga "Patronati" na nagbibigay ng ganitong serbisyo at kung saan maaring makuha ang lahat ng mga kaugnay na impormasyon.

Tagal ng pahintulot ng pananatili
Ang Pangmatagalang Permit to Stay UE ay walang taning.

Dokumento ng pagkakakilanlan
Ang Pangmatagalang Permit to Stay UE ay isang personal na dokumento ng pagkakakilanlan na may tagal na 5 taon mula sa araw ng pagbibigay o ng pagbabago. Ang pagre-renew ay ginagawa ayon sa kahilingan ng aplikante, at magbibigay ng mga bagong litrato.

Mga dahilan sa pagbawi ng permit
Ang permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo ay binabawi:

  • kung ito ay nakamit sa paraang labag sa batas;
  • kung sakaling mapapaalis sa teritoryong pambansa;
  • kung ang mga kondisyon para sa pagkakaloob nito ay hindi na matutupad;
  • sa kaso ng hindi pananatali sa teritoryo ng EU sa loob ng 12 magkakasunod na buwan;
  • sa kaso ng pagkakaroon ng residence permit mula sa ibang estado na miyembro ng European Union;
  • sa kaso ng pagbawi o katapusan ng katayuan bilang refugee o ng subsidiary protection

Para sa iba pang mga impormasyon
www.immigrazione.regione.toscana.it » Contenuti » Schede informative sui procedimenti » pangmatagalang EU permit to stay sa mga foreigners na matagal nang naninirahan at sa kanilang mga pamilya.

Impormasyon

Questura di Firenze
Via della Fortezza, 17
Fax 0554977062
e-mail: immig.quest.fi@pecps.poliziadistato.it