Mula noong ika-9 ng Disyembre 2010, kailangang makapasa sa pagsusulit para makahingi ng permit to stay ng pang-matagalang pananatili (o ang dating carta di soggiorno).
Sino ang dapat pumasa sa pagsusulit
Ang pagsusulit ay dapat maipasa ng mga mamamayan mula sa mga bansa na hindi kabilang sa European Union na nagnanais na makakuha ng permit to stay ng pang-matagalang panahon at mayroon nang mahigit sa limang taon na regular na pahintulot na manatili sa Italya at sapat na requirements ng natatanggap na sweldo.
Dapat ding sumailalim sa test na ito ang mga kamag-anak na maaaring ikuha ng ganitong uri ng permit to stay.
Sino ang hindi dapat sumailalim sa pagsusulit
Hindi kinakailangang sumailalim sa pagsusulit ng kaalaman sa wikang italyano:
- mga taong mayroong malubhang limitasyon sa kapasidad para sa pag-aaral ng wika, dahil sa edad, sakit o kapansanan
- mga anak na menor de edad na may edad 14 pababa, kahit ipinanganak na ilehitimo, at mga lehitimong anak sa legal na asawa;
- Sinumang may hawak na ng certificate ng kaalaman sa wikang italyano, na nagpapatunay ng antas ng kaalaman na hindi bababa sa level A2 ng Common European Framework of Reference para sa kaalaman ng mga wika na aprubado ng Konseho ng Europa, na iginagawad ng mga kinatawan ng pagpapatunay na kinikilala ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at ng Kagawaran ng Edukasyon, Unibersidad at Pananaliksik.
- ang mga taong nag-aral ng kurso ng wikang italyano sa mga Centri territoriali permanenti (CTP) at sa pagtatapos ng kurso ay nakatanggap ng isang certificate na nagpapatunay ng pagkakaroon ng isang antas ng kaalaman ng wikang Italyano na hindi bababa sa level A2 ng Common European Framework of Reference for Languages.
- Ang mga taong nag-aral ng kurso ng wikang italyano sa mga Centri territoriali permanenti (CTP) at nakatanggap ng isang certificate na nagpapatunay ng pagkakaroon ng isang antas ng kaalaman ng wikang Italyano na hindi bababa sa sa level A2.
- Sinumang nakakuha na, bilang bahagi ng mga naipong credits para sa kasunduan para sa integrasyon, ng certificate o pagkilala sa isang antas ng kaalaman ng wikang italyano na hindi bababa sa level A2 ng Common European Framework of Reference for Languages.
- Sinumang nagtapos at may diploma mula sa paaralang sekundaryo ng una o ikalawang grado sa eskwelahang italyano o sa mga panlalawigang sentro para sa edukasyon o kaya naman ay kumukuha ng isang kurso sa isang pampubliko o pribadong unibersidad na italyano na legal na kinikilala, o kaya naman ay ang mga kumukuha ng doctorate o master's degree.
- sinumang pumasok upang makapagtrabaho sa teritoryong italyano “na may mga partikular na sitwasyon”, na hindi kasali sa mga quota, upang magsagawa ng:
Director o highly-specialized staff ng kumpanya na may main office o branch sa Italya o Kinatawan ng Tanggapan ng mga dayuhang kompanyang mayroong main office ng mga aktibidad sa teritoryo ng isa sa mga bansa na kasapi sa World Trade Organization o kaya naman ay mga namamahala ng mga main offices sa Italya ng mga Italyanong kumpanya o mga kumpanya ng isa sa mga bansang mga kasapi sa European Union ;
Mga university professors na nadestinong humawak ng isang academic na posisyon sa Italya.
Mga translators at mga interpreters
Mga mamamahayag na officially accredited sa Italya at mga regular na nagtatrabaho at pinapasweldo ng mga kinatawan ng isang pahayagan o ng magasin o kaya naman ay ng mga radyo o telebisyon mula sa ibang bansa.
Ang mga mayroong refugee status o subsidiary protection
Ano ang dapat patunayan ng pagsusulit
Kailangang mapatunayan ng pagsusulit ang kaalaman ng wikang italyano na hindi bababa sa level A2 ng Common European Framework of Reference for Languages na aprubado ng Konseho ng Europa.
Griglia di autovalutazione linguistica
Ano ang kaalaman sa wikang italyano na tumutugma sa level A2?
Kung ang kaalaman ng wikang italyano ay nasa level A2, kayo ay may mga sumusunod na kakayahan:
Pakikinig: Kaya kong maintindihan ang mga pahayag at mga salita na madalas ginagamit at may direktang kinalaman sa akin (halimbawa ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa akin at sa aking pamilya, sa mga binili sa tindahan, sa aking kapaligiran at sa trabaho) Nagagawa kong maintindihan ang mga pangunahing ibig sabihin ng mga mensahe at ng maiikli, simple at malilinaw na mga panukala.
Pagbabasa: Kaya kong magbasa ng mga maiikli at simpleng teksto at makahanap ng mga partikular at madaling matagpuang impormasyon sa mga pang-araw-araw na materyales, tulad ng mga advertisement, programs, menu at schedule. Kaya kong maintindihan ang mga personal na sulat na simple at malinaw.
Pakikipag-ugnayan: Kaya kong makipag-ugnayan, harapin ang mga simple at nakaugaliang gawain na nangangailangan lamang ng simple at diretsong pagpapalitan ng impormasyon sa mga pamilyar na paksa at aktibidad. Kaya kong sumali sa mga maiikling pakikipag-usap, kahit na kadalasan ay hindi sapat ang aking naiintindihan upang magawang ipagpatuloy ang pagkikipag-usap.
Pananalita: Kaya kong gumamit ng mga pahayag at mga pangungusap upang ilarawan sa simpleng paraan ang aking pamilya at ang ibang mga tao, ang lagay ng aking buhay, ng pag-aaral sa eskwelahan at ang aking kasalukuyan o pinaka-huling trabaho.
Pagsusulat: Kaya kong gumawa ng mga simpleng talà at magsulat ng mga maiikling mensahe tungkol sa mga bagay na nangangailangan ng mabilisang atensyon. Kaya kong magsulat ng isang personal na sulat na simple lamang, halimbawa ay para magpasalamat sa isang tao.
Kahilingan na makilahok sa pagsusulit sa kaalaman ng Italyano
Upang mag-request na sumali sa pagsusulit sa wikang italyano para mabigyan ng permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo o permit to stay na pang-matagalang panahon (dating carta di soggiorno) kailangang mag-connect sa website ng Ministero dell'Interno (Interior Ministry o Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal):
https://testitaliano.interno.it
Mga hakbang:
1. Sa kaliwang bahagi ng homepage, i-click ang "Effettua registrazione" (pagpapatalà) o kaya naman ay ilagay ang e-mail at password kung mayroon na.
2. Pagkatapos ilagay ang user-email at ang password at mai-click ang “Invia” o “Ipadala” ay makikita ang susunod na page. I-click ang "Richiesta moduli" (request ng application form)
3. Mag-scroll pababa sa pahina ng “Richiesta Moduli" o “Application Forms” (tingnan ang larawan sa ilalim) upang mahanap ang application form para sa pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano.
4. I-click ang “Richiesta di ammissione al test di conoscenza della lingua italiana ai fini del rilascio del permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo" (Paghiling na makasali sa pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano upang makakuha ng permit to stay para sa pangmatagalang paninirahan o carta di soggiorno.)
5. Punan ang lahat ng kailangang sagutan sa application form online sa pamamagitan ng pagpindot sa "Avanti" o “Susunod” .
6. I-save ang nakumpletong form at ipadala ito sa pamamagitan ng pag-click sa “Salva” o "I-save" at pagkatapos ay “Invio” o "Ipadala"
7. Pagkatapos ng pagpapadala online ng application form, ang applicant ay tatawagin sa pamamagitan ng isang lettera raccomandata o registered mail.
Maaari kang mag-ulat ng anumang mga problema na naranasan habang nagpaparehistro sa help desk ng Ministero dell'Interno o Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Saan gagawin ang pagsusulit?
Kung walang problema sa pagre-request, ang aplikante ay tatawagin ng Prefettura (sa loob ng panahong hindi lalagpas sa 60 araw mula sa araw ng application) upang sumailalim sa pagsusulit sa kaalaman ng wikang italyano. Ipapaalam sa kanya ang araw, oras at lugar kung kailan at saan gaganapin ang pagsusulit (tingnan ang website "Richiesta partecipazione test di italiano" (Paghiling na makilahok sa pagsusulit sa wikang italyano)
Ano ang mangyayari kung absent sa araw ng pagsusulit?
Sa kaso ng walang matibay na dahilan ng pagliban sa itinakdang araw ng pagsusulit, maaaring mag-sumite ang mga aplikante ng panibagong application ng pagpapa-reserve ng pwesto sa pagsusulit ngunit kailangan munang lumipas ang 90 araw mula sa araw na dapat ay sumailalim sa pagsusulit. Ang tanging matibay na dahilan para sa hindi pagsipot sa araw ng pagsusulit ay ang pagkakasakit, na maaaring patunayan ng sariling doktor o ng isang doktor ng ASL. Ang certificate ay dapat i-pakita sa Komisyon sa CTP sa araw na itinakda ang pagsusulit na nakalagay sa araw na iniimbitahan ang migrante na gawin ito; bago ang itinakdang petsa ng pagsasa-ilalim sa pagsusulit, ang interesado ay dapat mag-request sa Prefettura na ilipat ang kanyang schedule ng pagsusulit kung hindi siya makakapunta.
Paano gagawin ang pagsusulit?
Kailangang ipakita ng isang mamamayan na hindi nagmula sa mga bansang kabilang sa European Union ang convocazione o pagtawag upang sumailalim sa pagsusulit at siya ay kikilalanin ng staff ng Prefettura.
Ang pagsusulit ay binubuo ng pag-unawa ng maikling teksto at ang kakayahan upang makipag-ugnayan at isinasagawa ito sa pamamagitan ng computer.
Kung hihilingin ng aplikante, ang pagsusulit ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsusulat na hindi gumagamit ng computer, bagaman pareho lamang sa computerized test ang nilalaman, pamantayan sa pagsusuri at limitasyon ng oras.
Ang risulta ng pagsusulit ay ipapaalam sa migrante at i-insert ng staff ng Prefettura sa information system ng Kagawaran ng Sibil na Kalayaan at Imigrasyon ng Internal Ministry. Sa kaso na hindi makakapasa sa pagsusulit, ito ay maaaring ulitin sa pamamagitan ng muling pagsusumite ng application form.
Anu-ano ang mga bahagi ng pagsusulit?
1. Pagsubok sa pakikinig (tatagal ng humigit-kumulang 25 minuto)
2. Pagsubok ng pagbabasa at pag-intindi (tatagal ng humigit-kumulang 25 minuto)
3. Pagsubok ng pagsusulat (tatagal ng humigit-kumulang 10 minuto)
1) Pakikinig (pagsubok ng pakikinig at pag-intindi) ng isang recorded tape (halimbawa ng pag-uusap ng dalawang tao).
Pagbibigay ng isang lista ng mga katanungan sa aplikante
pakikinig muli ng pag-uusap
Pagsagot sa mga katanungan sa pamamagitan ng: multiple choices, pagtutugma, true or false
2) Pagbabasa (pagsubok ng pag-intindi ng nakasulat)
ibibigay sa aplikante ang isang maikling sipi.
babasahin ito nang tahimik
Pagsagot sa mga katanungan sa pamamagitan ng: multiple choices, pagtutugma, true or false o kaya naman ay pag-kumpleto sa pangungusap.
3) Pagsusulat (pagsubok sa pagsusulat)
bibigyan ng isang paksa
kailangan magsulat ang aplikante ng isang maikling sanaysay o essay (halimbawa isang post card na ipapadala sa mga kaibigan na nagpapaliwanag kung nasaan ang nagsusulat, ano ang ginagawa at iba pa, isang pagsagot sa natanggap na e-mail, o kaya naman ay pagkumpila sa mga application forms)
Ang pagsusulit ay ituturing na pasado kung magkakamit ang aplikante ng positibong risulta na hindi bababa sa 80% ng kabuuang puntos ng pagsubok.
Tingnan ang nilalaman ng pagsusulit sa kaalaman ng wikang italyano [file pdf] na ginanap noong ika-19 ng enero 2011 sa Florence.
Saan at paano maaaring makita ang mga risulta ng pagsusulit?
Tingnan ang risulta ng pagsusulit sa wikang italyano
Upang malaman ang risulta ng pagsusulit sa wikang italyano para sa pagkakaroon ng pang-matagalang permit to stay o carta soggiorno, kailangang mag-connect sa website ng Ministero dell'Interno o Interior Ministry:
https://testitaliano.interno.it
Mga hakbang:
1. Sa kaliwang bahagi ng homepage, iilagay ang mga elemento ng pagkakakilanlan ng gumagamit o user:
e-mail address na ginamit bilang pantukoy sa electronic system ng Ministero dell'Interno o Interior Ministry para sa application ng sumailalim sa pagsusulit sa kaalaman ng wikang italyano.
password na ginamit upang makapasok sa electronic system ng Ministero dell'Interno o Interior Ministry para sa application ng sumailalim sa pagsusulit.
At i-click ang "Invio" o “Ipadala”
2. Sa pahina ng "Servizi disponibili" o “Mga serbisyong magagamit” na mabubuksan pagkatapos ng pag-i-insert ng e-mail at password, sa bandang kaliwa i-click ang "Domande" o “Query”
3. Sa sentro ng talahanayan na susunod na makikita, i-click ang icon ng "lente d'ingrandimento" o "magnifying glass" sa katapat ng pangalan ng user sa ilalim ng "Azioni" o “Mga Aktibidad”
4. Konsultahin ang risulta ng pagsusulit sa wikang italyano sa talahanayan na makikita.