Regione Toscana
RVA - tagalog

Kusang-loob na pagbabalik sa sariling bayan na may assistance o tulong (Ritorno Volontario Assistito)

Ano ito?
Ang “Ritorno Volontario Assistito” (RVA) o “Kusang-loob na pagbabalik sa sariling bayan na may assistance o tulong” ay isang proyekto na nagbibigay daan sa mga mamamayang hindi kabilang sa European Union na magbalik ng kusang loob, at may sapat na kaalaman, sa sariling bayan at may matatanggap na sapat na tulong.

Ang “Ritorno Volontario Assistito” ay nagbibigay ng tulong para sa pagsasa-ayos ng mga bagay at ng pagbabayad ng mga magagastos sa paglalakbay, pati na rin ng mga kinakailangan para sa social reintegration at paghahanap muli ng trabaho sa bansang pinagmulan. Ang mga programa ay ginawa base na rin sa lagay ng isang indibidwal at bilang tugon sa kusang-loob na paghiling ng isang migrante.
Ang pagsasakatuparan ng mga programa ay mayroong ilang yugto: ang pag-uulat at pagsusuri ng partikular na kaso, ang pag-buo ng isang individual project ng isang tao na nagsasa-alang-alang sa mga kakayahan at mga inaasahan ng migrante, at ang pagtulong para sa pagsasakatuparan ng proyekto sa bansang pinagmulan.

Ang “Ritorno Volontario Assistito” ay isinakatuparan ng Gobyernong Italyano para sa mga migrante na nagmula sa mga bansang hindi miyembro ng European Union, sa pamamagitan ng “Organizzazione Internazionale per le Migrazioni” (OIM) o Samahang Internasyunal para sa mga migrante (www.reterirva.it> i progetti di ritorno ).

Para kanino ito?
Ang proyekto ng “Ritorno Volontario Assistito” ay para sa mga sumusunod na kategorya ng mga migrante:

  • Mga taong may hindi matatag o hindi siguradong kalagayan sa buhay. (mga taong may kapansanan, matatanda na, mga menor de edad, mga single parents na may anak na menor de edad, mga biktima ng mga malubhang karanasang psychological, physical o sexual.

  • Mga biktima ng human trafficking, mga pasyenteng may malubhang sakit, mga taong nangangailangan ng internasyonal na proteksyon at mga nakikinabang ng internasyonal at humanitarian na proteksyon;

  • mga mamamayang mula sa mga bansang hindi kabilang sa European Union, na wala nang sapat na mga requirements para sa pagre-renew ng permit to stay.

  • Mga mamamayang mula sa mga bansang hindi kabilang sa European Union, na nakatanggap ng mga utos ng pagpapa-alis sa teritoryong italyano o ng hindi pagpapatuloy sa bansa at kasalukuyang nasa mga sentro para sa pagkakakilanlan at pagpapa-alis sa bansa;

  • Mga mamamayang mula sa mga bansang hindi kabilang sa European Union, na nakatanggap ng utos ng pagpapa-alis at nabigyan ng sapat ng takdang panahon upang kusang-loob na lumisan.

Sino ang mga hindi kasali?
Hindi kasali sa mga maaaring matulungan ng proyekto ang mga sumusunod:

  • mga mamamayang mula sa mga bansang kabilang sa European Union

  • mga mamamayang mula sa mga bansang hindi kabilang sa European Union na mayroong dual citizenship (UE at Third World)

  • mga nagmamay-ari ng permit to stay ng EU na para sa matagal na panahon (o ang tinatawag na carta di soggiorno)

  • Ang sinumang nakatanggap na minsan ng tulong na ito.

  • isang taong nakatanggap ng pwersahang pagpapaalis sa teritoryo na dapat may police escort papunta sa border, at nalilimitahan sa mga kaso kung saan ang pagpapaalis ay inihatol para sa kaayusang pampubliko o pambansang kasiguraduhan o dahil mapanganib sa lipunan, kung hindi sumunod sa itinakdang panahon ng kusang-loob na paglisan.

  • isang taong nakatanggap ng pagpapaalis sa teritoryo ngunit sa mga kaso lamang ng hindi pagsunod sa imbitasyon na lisanin ang teritoryo ng bansa.

  • isang taong nakatanggap ng utos ng pagpapaalis sa teritoryo bilang parusa sa isang krimen o bilang consequence ng parusa sa isang krimen.

Mahalagang tandaan
Ang lahat ng mga migrante na makikinabang sa proyektong ito ng RVA ay isusuko na ang kanilang status sa bansa at ang kanilang permit to stay sa oras ng pag-alis sa bansa, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na sila maaaring bumalik sa Italya.

Paano iuulat ang isang kaso
Para sa pagrereport ng isang kaso ng isang migrante na interesado na humingi ng tulong ng proyekto ay maaaring:

- tumawag sa “help desk nazionale Ritorno”

telepono 0492023830 (mula lunes hanggang biyernes mula alas 9.30 hanggang 13.30)
e-mail: info@reterirva.it
o kaya naman ay

- kumonsulta nang diretso sa mga information centers ng Rete RIRVA na pinakamalapit

Information Centers - Rete RIRVA Tuscany

FLORENCE

  • Associazione Progetto Arcobaleno Onlus
  • Associazione Volontariato penitenziario Onlus
  • Associazione Interculturale delle Donne "Nosotras"
  • Gli Anelli Mancanti Onlus
  •  C.A.T. "Centro di Animazione Triccheballacche" Cooperativa Sociale Onlus
  • ARCI Comitato Regionale Toscana

TRAME onlus - Associazione toscana (sa website ng RIRVA ito ay kinokonsidera bilang “punto di sensibilizzazione” (sentro ng pagbatid) at hindi bilang “punto informativo” (sentro ng impormasyon)

LIVORNO

  • Fondazione Caritas Livorno Onlus
  • Associazione Randi
  • Arca Coop. Sociale s.r.l. - Centro Informativo Immigrati
  • Centro Mondialità Sviluppo Reciproco

LUCCA

  • Associazione CEIS - Gruppo "Giovani e Comunità" Onlus (Lucca)

PISA

  • Consorzio pubblico Società della Salute Zona Pisana
  • Cooperativa sociale “Il Cerchio”

Donne In Movimento – DIM – punto di sensibilizzazione (sentro ng pagbatid)

SIENA

  • Società della Salute della ValdiChiana Senese
  • Comune di Siena
  • La Rondine - Società Cooperativa Sociale

PRATO

  • Comune di Prato - Servizio immigrazione e Pari Opportunità
  • SARAH Soc. Coop. Sociale Onlus

ASTIR Consorzio di cooperative sociale società cooperativa sociale arl - punto di sensibilizzazione (sentro ng pagbatid)

AREZZO

  • Provincia di Arezzo - Centro Pari Opportunità (Sentro ng Patas na oportunidad)
  • Comune di Arezzo
  • Pronto Donna

GROSSETO

  • COESO Società Della Salute Zona Grossetana

MASSA CARRARA

Arci Comitato Provinciale di Massa Carrara – punto di sensibilizzazione (sentro ng pagbatid)

 

Para sa mga contact numbers at updates tungkol sa mga information centers mag-consult sa www.reterirva.it> La Rete Rirva> Toscana
Ang operator ng Rete Rirva ay magbibigay ng mga impormasyon sa migrante tungkol sa mga oportunidad na maaaring gamitin at tulungan siya sa pagdedesisyon, sa pamamagitan ng staff na magsasakatuparan ng proyekto.
Kung magdedesisyon ang isang migrante na sumali sa proyekto, siya ay tutulungan na mag-fill-up ng application form at i-submit ang mga kinakailangang mga dokumento.

Mga Dokumento na dapat ihanda:

  • Photocopy ng passport
  • Photocopy ng permit to stay (kung mayroon)
  • kung anumang hawak na dokumento: deklarasyon ng kawalan ng trabaho at/o mga medical certificates etc.

Pag-apruba sa mga kaso
Sa oras na matanggap at ma-verify ng OIM ang mga dokumento na ibinigay ng migrante, ang mga ito ay ipapadala sa mga nakatakdang Awtoridad upang maaprubahan.

Mga Link na makakatulong

Rete italiana per il Ritorno Volontario Assistito RIRVA

Ritorni Volontari Assistiti – OIM Organizzazione Internazionale per le Migrazioni