Regione Toscana
Kasunduan para sa Integrasyon - Accordo di integrazione

Kasunduan para sa Integrasyon - Accordo di integrazione

Ano ito?
Ang Kasunduan para sa Integrasyon ay isang “kasunduan” sa pagitan ng Italya at ng mamamayan na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU, na naglalayon na mapadali ang integrasyon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan para matutunan ang mga pangunahing alituntunin ng Saligang Batas na Italyano at ng wikang Italyano

Sino ang dapat pumirma sa Kasunduan?
Dapat pumirma sa kasunduan ang mga mamamayan na mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU na may edad na higit sa 16 na taon na dumating sa Italya sa unang pagkakataon at mag-aapply ng permit to stay na may tagal na hindi bababa sa isang taon.

Kailan dapat pirmahan ang kasunduan?
Ang Kasunduan ay dapat pirmahan sa araw ng appointment para sa pag-aapply ng permit to stay sa Sportello Unico para sa Imigrasyon sa Prefettura o sa Questura.
Ang kasunduan ay nakasalin wikang pinili ng migrante na dapat pumirma, at kung sakaling hindi available sa sariling wika ay sa ibang wika na naiintindihan niya.
Para sa mga menor de edad sa pagitan ng 16 hanggang 18 taon, ang Kasunduan ay pipirmahan din ng magulang o ng guardian, na legal na naninirahan sa Italya.

Saan pipirmahan ang Kasunduan?
Prefettura:
Para sa mga pumasok sa Italya ng may visa para sa pagtatrabaho o para makapiling ang pamilya
Questura: Para sa mga pumasok sa Italya ng may visa para sa pag-aaral, pagpepetisyon ng pagkakaroon ng permit to stay para sa pampamilyang dahilan ng kapamilya na kasalukuyan nang nasa Italya, elective residence o para sa motibong pang-relihiyon.

Sino ang dapat magsagawa ng pagsusuri?
Para sa mga pumasok sa Italya para sa:

  • Trabaho
  • Pag-aaral
  • Elective residence
  • Kadahilanang pang-relihiyon

Dalawang taon mula sa pag-pirma ng kasunduan, mag-sasagawa ang Prefettura ng pag-susuri upang malaman kung ilan na ang naipong puntos o credits. (tingnan ang talaan ng mga puntos)

Para sa mga impormasyon

Sportello Unico para sa Imigrasyon (Prefettura di Firenze)
Via Giacomini, 8 – Firenze
Telepono 055 2783643 – Lunes, Martes, Miyerkules at Hwebes alas 9:00 hanggang alas 12:00
e-mail: immigrazione.pref_firenze@interno.it
certified e-mail: immigrazione.preffi@pec.interno.it

Para sa iba pang mga impormasyon
www.immigrazione.regione.toscana.it > Area tematica > Accordo di integrazione

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione