Sino ang HINDI dapat pumirma sa Kasunduan?
Ang mga taong may sakit o kapansanan na nagiging matinding dahilan upang hindi makayang mag-isa ng isang tao o kaya naman ay nagiging hadlang sa kakayahan na matuto ng wika at kultura. Ang mga dahilan na ito ay dapat suportahan ng isang medical certificare na mula sa mga public health centers o mula sa isang doktor na may kontrata sa Servizio Sanitario Nazionale (Pambansang Serbisyong Pangkalusugan).
Hindi pipirmahan ang kasunduan sa mga sumusunod na kaso:
-
Mga menor de edad na guardian, mga ipinagkatiwala o nasa pangangalaga, kung saan ang kasunduan ay papalitan ng katapusan ng proyekto ng integrasyong sibil at panlipunan.
-
biktima ng human trafficking, karahasan o malubhang pagsasamantala, kung saan ang Kasunduan ay papalitan sa pamamagitan ng pagkumpleto ng programa ng pagtulong at integrasyong panlipunan.
Sa pagpirma sa Kasunduan, ano ang kailangang gawin ng isang “cittadino non comunitario” o mamamayang nagmula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU?
Ang isang mamamayan na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU ay dapat:
-
makakuha ng isang antas ng kaalaman sa wikang Italyano
-
makakuha ng sapat na kaalaman tungkol sa mga pangunahing prinsipyo ng Saligang-Batas ng Republika at ng organisasyon at kung paano gumagana ang mga pampublikong institusyon sa Italya
-
makakuha ng sapat na kaalaman sa sibil na pamumuhay sa Italya, lalo na tungkol sa sektor ng kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, trabaho at mga obligasyon sa pagbabayad ng buwis
-
ma-garantiyahan ang obligasyon na mapag-aral ang mga anak na menor de edad
-
maisagawa ang mga obligasyon sa pagbabayad ng buwis at mga kontribusyon
-
sundin ang mga nakasaad sa “Carta dei Valori” (charter of values) na nauukol sa pagiging mamamayan at sa integrasyon, at igalang ang mga prinsipyo nito.
Ano ang dapat gawin ng Estado?
Sa pamamagitan ng Kasunduan, gagawin ng pamahalaan ang mga sumusunod:
-
matiyak ang pagkakaroon ng mga pangunahing karapatan at ang pagkakapantay-pantay sa katayuang panlipunan ng mga tao, anuman ang kasarian, lahi, wika, relihiyon, opinyon sa pulitika, at personal at panlipunang mga kondisyon, at paghadlang sa anumang pahayag ng racism at diskriminasyon
-
mapadali ang pagkakaroon ng impormasyon na makakatulong sa mga tao na maunawaan ang mga pangunahing nilalaman ng Saligang Batas ng Italya at ang mga batas ng estado
-
matiyak, sa tulong ng mga rehiyon at lokal na awtoridad, ang pagsubaybay sa pagsunod sa mga patakaran para sa proteksyon ng mga empleyado, ganap na kakayahan na makagamit ng mga serbisyo sa kalusugan at mga may kinalaman sa obligadong pagpasok sa paaralan
-
himukin ang mas maayos na integrasyon ng taong pumirma sa kasunduan sa tulong ng mga rehiyon, ng mga lokal na awtoridad at ng mga asosasyon.
-
matiyak sa taong pumirma, na sa loob ng 3 buwan mula sa pagpirma sa Kasunduan, ang libreng paglahok sa isang kurso ng edukasyong sibil at pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa buhay sa Italya.
Ano ang nilalaman ng kurso ng edukasyong sibil?
Ang kurso ay nagbibigay ng mga impormasyon sa mga sumusunod na paksa:
-
pangunahing mga prinsipyo ng Saligang-Batas ng Republika at ang paggana ng mga pampublikong institusyon sa Italya
-
sibil na pamumuhay sa Italya, lalo na tungkol sa sektor ng kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan, labor at mga obligasyon sa buwis
-
mga initiatives upang makatulong sa integrasyon, kung saan ang mamamayan ay maaaring makakuha ng tulong sa teritoryo ng lalawigan na tinitirahan
-
kaugnay na mga regulasyon ukol sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho
-
mga karapatan at obligasyon ng mga mamamayang mula sa isang bansang hindi kabilang sa European Union at ngayon ay nasa Italya na:
-
- obligasyon na may kaugnayan sa pananatili sa Italya
-
tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak, ayon sa Italian legal system, pati na rin ang obligasyon ng pag-aaral
Ang kurso ay gagawin sa loob ng 10 oras at kasama dito ang pag-gamit na mga materyales na naisalin na sa wikang napili ng taong pumirma, at kung hindi man available ang napiling wika, ay isa pang wika na naiintindihan niya.
Gaano katagal ang Kasunduan?
Ang kasunduan ay tatagal ng 2 taon at maaaring i-extend o pahabain pa ng isa pang taon
Paano makakakuha ng mga puntos?
Ang mga puntos ay makukuha sa pamamagitan ng mga sumusunod:
-
pagpunta sa mga seminar o kurso sa pag-aaral ng wikang italyano at sa kurso ng sibil na edukasyon sa mga CPIA (Centri Provinciali per l'Istruzione gli Adulti) o mga sentrong panlalawigan para sa Edukasyon ng mga taong nasa mayor de edad at mga tanggapan na kaakibat at pagkatapos ay ang pagkapasa sa pagsusulit sa katapusan ng kurso.
-
sa pamamagitan ng certification o diploma na nagpapatunay ng kaalaman ng wikang Italyano sa level A2, na ibinigay ng mga kinatawan na kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs at Ministry of Education, University and Research: Università degli Studi Roma Tre, Università per Stranieri di Perugia, Università per Stranieri di Siena, Società Dante Alighieri
Ang mga puntos ay iginagawad batay sa mga naipong papeles o dokumento na ibibigay ng taong pumirma sa kasunduan sa loob ng period ng kasunduan. (Tingnan ang talahanayan ng mga puntos)
Paano mababawasan ng mga puntos?
Ang mga puntos ay maaaring mabawasan sa mga sumusunod na paraan:
-
mga kriminal na hatol kahit wala pang depinitibong sentensya
-
pagpataw ng personal safety measures kahit na hindi pa depinitibo
-
depinitibong pagbabayad ng multa na may kinalaman sa mga malubhang pagkakasalang sa pamamahala o pagbabayad ng buwis
Ang kabuuan ng mga puntos na matatanggal ay proporsyonal sa kalubhaan ng mga kasalanang kriminal, administratibo o may kinalaman sa buwis at mga nasirang pangako.
Ang hindi paglahok sa kurso ng edukasyong sibil at impormasyon sa sibil na mapumuhay sa Italya ay magiging dahilan ng pagkawala ng 15 sa 16 puntos na ibinigay sa oras ng pag-pirma ng kasunduan.
Paano gagawin ang pagpapatunay ng maayos na pagsunod sa kasunduan?
Isang buwan bago ang katapusan ng dalawang taon mula sa pagkapirma ng kasunduan, manghihingi ng patunay ang Sportello Unico para sa Integrasyon sa pamamagitan ng pag-iimbita sa taong pumirma sa kasunduan upang ipakita ang mga dokumento o patunay ng mga pagsunod sa kasunduan na kailangan upang maigawad ang mga puntos na kailangan, at mga certification na may kinalaman sa obligadong pagpapaaral ng mga anak na menor de edad, o kung wala pa ito, ay ang pruweba na ini-enroll ang mga anak sa eskwelahan.
Sa kaso na walang maipakitang mga karampatang dokumento na nagpapatunay sa antas ng kaalaman ng wikang italyano, ng kulturang sibika at sibil na pamumuhay sa Italya, ang taong pumirma sa kasunduan ay maaaring sumailalim sa isang karampatang pagsusulit na gagawin ng mga operators ng Sportello Unico para sa Imigrasyon.
Kung halimbawang wala pa ring hawak na dokumento o patunay ng antas ng kaalaman ng wikang italyano at kulturang sibika, maaaring magpa-prenotate ng libre para sa eksamen ng wikang italyano na may level A2 at ang eksamen sa kulturang sibika sa website na https://accordointegrazione.dlci.interno.it gamit ang username at password na ibinigay sa oras ng pagpirma ng kasunduan.
Paano matatapos ang pagpapatunay ng pagsunod sa Kasunduan?
Ang pagpapatunay ng pagsunod sa Kasunduan ay matatapos sa mga sumusunod na kaso:
-
Puntos na 30 o higit pa: ang kasunduan ay ituturing na maayos na nasunod. Sa kasong ito, mahalagang nakamit ang level A2 ng kaalaman ng wikang italyano sa pagsasalita, at ang sapat na antas ng kaalaman ng kulturang sibika at sibil na pamumuhay sa Italya, sa mga CPIA (Centri Provinciali per l'Istruzione gli Adulti) o ng mga kinatawan na kinikilala ng Ministeryo.
-
Puntos na mula 1 hanggang 29 o kaya ay hindi pagkamit ng mga antas ng kaalaman ng wikang italyano, ng kulturang sibika at sibil napamumuhay sa Italya: ang kasunduan ay pahahabain pa ng isa pang taon sa katulad na mga kondisyon at ang taong pumirma ay iimbitahan upang isagawa ang pagsusulit sa wikang italyano at kulturang sibika sa tulong ng Sportello Unico para sa Imigrasyon.
-
Walang naipong puntos: babawiin ang permit to stay at mabibigyan ng utos upang lisanin ang teritoryong italyano
Ang Kasunduan ay maaaring i-suspinde
Ang kasunduan ay maaaring i-suspinde o ma-extend, kung hihilingin, sa pagkakataong mayroong matibay na kadahilanan o na hindi maiiwasan na hindi pagsunod sa Kasunduan. Sa ganitong kaso, kailangan maipakita ang mga karampatang dokumento na nagpapatunay ng mga sumusunod na dahilan:
-
malubhang karamdaman na mapapatunayan ng medical certificate na binigay ng isang public health center o ng isang doktor na may kontrata sa pambansang serbisyong pangkalusugan.
-
Malubhang dahilang pampamilya
-
Dahilan ng pagtatrabaho
-
Pagpunta sa mga kurso o internships
-
Pag-update o professional orientations
-
Pag-aaral sa ibang bansa
Paanong makikita ng isang mamamayan na mula sa isang bansa na di kabilang sa EU ang sitwasyon na updated ng Kasunduan?
Maaari niyang makita ang estado ng kasunduan at i-update ang mga data na may kinalaman dito sa pamamagitan ng website: http://accordointegrazione.dlci.interno.it
Kailangang mag-register gamit ang mga credentials na ibinigay sa araw ng pagpirma sa Kasunduan para sa Integrasyon sa Sportello Unico para sa Imigrasyon.