Ano ito?
Ang sinumang nagpaparenta ng bahay o ng silid sa isang tao o kaya naman ay nagpapatuloy ng libre (kahit kamag-anak) ay dapat gawin ang pagre-report ng pagbibigay ng tirahan o ng pagpapatuloy bilang bisita o ang tinatawag sa italyano na Comunicazione di cession di fabbricato o di ospitalità (ang “fabbricato” (gusali) ay iintindihin bilang “bahay na matutuluyan”)
Sino ang dapat mag-report?
Sa kaso ng pagrerenta ng bahay: ang pagrereport ay dapat gawin ng may-ari ng bahay na ide-deklara ang presensya ng dumating na tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kontrata na rehistrado sa Agenzia delle Entrate at ng mga dokumento ng pagkakakilanlan niya at ng tao na nag-rerenta sa bahay.
Sa kaso ng libreng pagpapatuloy bilang bisita: ang pagrereport ay dapat gawin ng tao na nagpapatuloy na dapat i-deklara ang kanyang mga data pati na rin ang kanyang bisita:
Kung ang bisita o ang nagrerenta ng bahay ay:
Mahalagang tandaan: sa kaso na mayroong pagbabayad ang renta, hindi na kailangang gawin ang pagre-report dahil sapat na na ang kontrata ng bahay ay rehistrado sa Agenzia delle Entrate.
Kailan dapat gawin ang pagre-report?
Kailangan i-report ang pagdating ng bisita sa loob ng 48 oras mula sa pagdating nito sa bahay
Saan gagawin ang pagre-report?
Kailangan gawin ang pagre-report ng pagdating ng bisita sa lokal na awtoridad ng pampublikong seguridad (Carabinieri, Polizia di Stato o Polizia Municipale)
Babala:
Ang mahuhuling hindi gagawa ng pagre-report ay kailangang magbayad ng multa na mula sa € 160,00 hanggang € 1.100,00.
Sa website ng Polizia di Stato ay maaaring i-download ang form ng pagre-report ng pagbibigay ng matutuluyan
Para sa mga impormasyon
www.poliziadistato.it/articolo/23001/