Ano ito?
Ito ay isang pagko-convert ng sariling permit to stay para sa permit to stay sa dahilang pampamilya.
Sino ang maaaring mag-apply?
Ang mamamayang “non comunitario” (mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU)
Kailan dapat mag-apply?
Kailangan mag-apply bago mag-isang taon mula sa pagkawalang bisa ng dating permit to stay o mula sa petsa ng tatak sa border ng pagpasok sa Italya
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?
Tandaan: para sa mga application ng pagko-convert ng permit to stay para makapiling ang pamilya ng isang non-EU citizen na kinikilalang refugee o tinanggap para sa subsidiary protection, sapat lang i-submit ang mga dokumento o papeles na nagpapatunay ng relasyon ng pamilya.
Paano ipapadala ang application?
Kung ang permit to stay ay “cartaceo” o gawa pa rin sa papel, ang application ay dapat gawin sa Questura.
Kung ang permit to stay naman na hawak ay electronic, ang application form ay kailangan ipadala sa mga awtorisadong post offices Uffici postali abilitati.
Sa ganitong kaso:
Dapat magpunta ang aplikante sa isang post office na may “Sportello amico” at kumuha ng “kit” para sa pagpapadala ng application ng permit to stay (isang envelope, ang application form at mga instructions o mga hakbang). Matapos kumpilahan, ipadala ang application form kasama ng mga requirements.
Ipapaalam ng operator ng italian post office sa aplikante ang petsa kung kailan kailangan niyang magpunta sa Questura para sa unang appointment at ibibigay ng nasabing operator ang resibo ng post office para sa pag-aapply ng permit to stay.
Ang resibong ito ay mahalaga, sapagkat ito ang patunay ng pagiging legal na mamamayan sa Italya.
Para sa mga impormasyon:
Questura di Firenze
Via della Fortezza, 17
e-mail: immigrazione.fi@poliziadistato.it
posta certificata (PEC): immig.quest.fi@pecps.poliziadistato.it