Regione Toscana
Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may:permit to stay upang makapiling ang pamilya, permit to stay upang makasama ng isang menor de edad o pang-matagalang

Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may:permit to stay upang makapiling ang pamilya, permit to stay upang makasama ng isang menor de edad o pang-matagalang

Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Libre at obligado ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga mayroong permit to stay upang makapiling ang pamilya, permit to stay upang makasama ng isang menor de edad o pang-matagalang permit to stay para sa mga kapamilya ng mga mamamayan ng EU
Kailan dapat gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
Kailangan magpa-rehistro ang bagong dating na tao matapos ipadala sa post office ang application ng pagre-request na magkaroon ng permit to stay at matapos makapagpa-rehistro sa Munisipyo ng paninirahan.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang bagong dating ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?

  • Permit to stay o resibo ng pagbabayad ng application ng permit to stay. Kung pupunta na ang dala ay resibo lang, pansamantala lang muna ang gagawing pagre-rehistro na may tagal na mula isa hanggang tatlong buwan. Kapag nakuha na ang permit to stay, kailangan bumalik sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center upang kumpletuhin ang pagpapa-rehistro.
  • Codice fiscale o taxpayer’s code
  • Self-declaration ng residence o lugar na tinitirahan na kailangang fill-up-an sa ASL

Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng bagong dating ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)

  • Pagkakaroon ng doktor o pediatrician ng isang pamilya
  • Libreng pagpapa-ospital sa mga pampubliko at alternatibong ospital
  • pharmaceutical assistance
  • general medical check-up o pang-kalahatang pagsusuri ng doctor
  • spesyalisadong medikal na pagsusuri
  • medical check-up sa bahay
  • pagpapa-bakuna
  • blood test o pagsusuri ng dugo
  • X-ray
  • Ultrasounds
  • mga gamot
  • tulong sa rehabilitation at prosthesis
  • iba pang mga benepisyo na ibinibigay sa pangunahing mga antas ng pang-gagamot

Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU.)
Hanggang kailan may bisa ang rehistrasyon?
Ang rehistrasyon sa serbisyong pang-kalusugan ay may bisa na kasing-tagal ng validity ng permit to stay.
Kapag napaso na ito, ang trabahador ay mayroong anim na buwan upang i-renew ang pagkaka-rehistro sa pamamagitan ng pagdadala sa ASL ng resibo ng application ng pagre-renew ng kanyang permit to stay.
Mga kaso kung kailan nawawala sa pagkaka-rehistro sa SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon

  • hindi na-renew ang permit to stay
  • pagkaka-walang bisa ng permit to stay
  • pagpapa-alis sa teritoryong italyano
  • paglipat ng tinitirahang rehiyon

Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center

Mga local health centers (Tuscany)
 
 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione