1. Gaano katagal ang bisa ng permit to stay para makapiling ang pamilya?
Ito ay may kaparehong tagal ng bisa ng kapamilya na nag-petisyon at maaaring i-renew kasabay ng kanyang permit to stay.
2. Maaari bag magkaroon ng kontrata ng trabaho na employed o sariling trabaho kung ang hawak na permit to stay ay para makapiling ang kapamilya?
Oo.
3. Maaari bang mag-aral o mag-vocational training ang may permit to stay para makapiling ang kapamilya?
Oo.
4. Obligado bang magpa-rehistro sa Serbisyong pang-kalusugan ang mga may hawak na permit to stay para makapiling ang kapamilya?
Oo (Tingnan ang talaan ng pagpaparehistro sa SSR na pampamilya)
5. Ano ang mangyayari sa kaso ng mga sumusunod?
Ang permit to stay para makapiling ang kapamilya ay maaaring ipa-convert sa permit to stay para sa trabaho bilang empleyado, para sa sariling trabaho o para sa pag-aaral, kung maipapakita na nagtatrabaho o nag-aaral.