Regione Toscana
Listahan ng mga dokumento na kailangan para sa self-employment

Listahan ng mga dokumento na kailangan para sa self-employment

1. Freelance

  • pahayag na ibinigay ng Administration na in-charge sa pagbibigay ng anumang mga pahintulot, lisensya, awtorisasyon o ng pagtanggap ng notification ng pagsisimula ng aktibidad o sa pamamagitan ng mga awtoridad na nangangasiwa sa mga propesyonal na asosasyon;
  • pruweba ng income o kita na may halaga na mas mahigit kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)

2. Entrepreneur, Negosyante at Artisan

  • certification ng mga parameters of reference, tungkol sa pagkakaroon ng mga pinansiyal na mga mapagkukunan ng mga kinakailangan para sa aktibidad, na ibinigay ng Chamber of Commerce, Industry and Agriculture ng lalawigan kung saan nais isagawa ang mga aktibidad o ng nakatakdang samahang propesyonal (art. 39, talata 3 ng Presidential Decree 394/1999)
  • patunay ng pagmamay-ari ng sapat na mga mapagkukunan ng kinakailangan, na naaayon sa nakasaad sa certificate na tinutukoy sa itaas;
  • ang mga parameter ng mga puntos sa itaas ay batay sa availability sa Italya, mula sa parte ng aplikante, ng isang halagang hindi bababa kaysa sa capitalization sa taunang batayan, ng isang halaga na kapantay ng buwanang social allowance.
  • photocopy ng pagkakaroon ng partita I.V.A. o ng VAT registration number.
  • pahayag ng Administration na nakatalaga sa pagbibigay ng anumang mga pahintulot, lisensya, awtorisasyon o pagtanggap ng notification ng pagsisimula ng aktibidad
  • pruweba ng income o kita na may halaga na mas mahigit kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)

3. May hawak na kontrata para sa pag-gawa ng trabaho, konsultasyon atbp

  • certificate of registration ng kumpanya sa “Registro delle Imprese” o Business Register (Chamber of commerce company registration) , na aktibo ng hindi bababa sa tatlong taon, kung saan magtatrabaho;
  • kopya ng huling financial statement (kung limited company) ng kumpanya at Negosyo (kung korporasyon) na nai-deposit sa “Registro delle Imprese” (Business Register) , o ang huling tax return (kung may partnership o solong pagmamay-ari), na nagpapakita na ang halaga ng income o kita ay sapat upang matiyak na ang kanilang pagbabayad;
  • kontrata sa trabaho, kung saan sinisigurado na ang mga self-employed worker ay mababayaran ng halagang mas mataas kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)
  • kopya ng deklarasyon ng responsibilidad na ipinadala sa mga kaugnay na lokal na Labour Office, kung saan ipinapahiwatig na, ayon sa kontratang pinirmahan, hindi magkakaroon ng anumang kasunduan ng employment.

4. Shareholders, mga direktor ng kumpanya - kopya ng deed of incorporation ng kumpanya

  • certificate of registration ng kumpanya sa “Registro delle Imprese” o Business Register (Chamber of commerce company registration) na aktibo ng hindi bababa sa tatlong taon;
  • Pahayag ng legal na kinatawan ng kumpanya na nagbibigay ng katiyakan sa mga nagtatrabaho na shareholders o sa mga may hawak na posisyon, na sila ay mababayaran ng halagang mas mataas kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)
  • kopya ng huling financial statement (kung limited company) ng kumpanya at Negosyo (kung korporasyon) na nai-deposit sa “Registro delle Imprese” (Business Register) , o ang huling tax return (kung may partnership o solong pagmamay-ari), na nagpapakita na ang halaga ng income o kita ay sapat upang matiyak na ang kanilang pagbabayad;
  • kopya ng deklarasyon ng responsibilidad na ipinadala sa mga kaugnay na lokal na Labour Office, kung saan ipinapahiwatig na, ayon sa kontratang pinirmahan, hindi magkakaroon ng anumang kasunduan ng employment.

5. University exchange Lectors o makakapagturo ng sariling wika

  • deklarasyon na ibinigay ng unibersidad o institusyon ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik, pampubliko o pribado, na nagpapatunay ng pagkakaroon ng mga propesyonal na mga requirements upang magtrabaho;
  • pruweba ng income o kita na may halaga na mas mahigit kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)
  • certification ng kaugnay na lokal na Labour Office, kung saan ipinapahiwatig na, ayon sa programa, hindi magkakaroon ng anumang kasunduan ng employment.

6. Mga translators at Interpreters

  • Degree o professional certificate ng pagiging translator o interpreter, na tumutukoy sa kailangang wika, at iginawad, respectively, ng isang paaralan ng estado o pampublikong kinatawan o ng isang comprehensive school, batay sa mga nakatakdang batas ng Estado na naggawad, at nasuri ng mga nakatakdang kinatawan ng embahada o konsulado o diplomatikong awtoridad;
  • pruweba ng income o kita na may halaga na mas mahigit kaysa sa pinakamababang level o antas na itinakda ng batas para hindi kailangang magbayad ng health expenses o pagpapagamot (€ 8.500,00)
  • certification ng kaugnay na lokal na Labour Office, kung saan ipinapahiwatig na, ayon sa programa, hindi magkakaroon ng anumang kasunduan ng employment.
La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione