Regione Toscana
Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may: permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili (dating carta di soggiorno)

Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may: permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili (dating carta di soggiorno)

Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Libre at obligado ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga mayroong permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili (dating carta di soggiorno)
Mga partikular na kaso
Ang mga tao na bago magkaroon ng permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili ay hindi maaaring magpa-rehistro ng libre sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon, ay maaaring patuloy na magparehistro nang boluntaryo at may-bayad. Ang iba pang paraan ay ang patuloy na pagbabayad sa private insurance (sa isang insurance company na italyano o estranghero) na may bisa sa Italya.
Kailan dapat gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
Kailangan magpa-rehistro matapos ipadala sa post office ang application ng pagre-request na magkaroon ng permit to stay at matapos makapagpa-rehistro sa Munisipyo ng paninirahan.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang bagong dating ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?

  • Permit to stay o resibo ng pagbabayad ng application ng permit to stay. Kung pupunta na ang dala ay resibo lang, pansamantala lang muna ang gagawing pagre-rehistro na may tagal na mula isa hanggang tatlong buwan. Kapag nakuha na ang permit to stay, kailangan bumalik sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center upang kumpletuhin ang pagpapa-rehistro.
  • Codice fiscale o taxpayer’s code
  • Self-declaration ng residence o lugar na tinitirahan na kailangang fill-up-an sa ASL
  • Ibang dokumento sa kaso ng mga tao na bago magkaroon ng permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili ay hindi maaaring magpa-rehistro ng libre sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
  • Self-certification ng kita
  • Resibo ng pagbabayad ng bollettino postale kukumpilahan ng mga sumusunod na data:
    • Numero conto corrente postale: 289504
    • Intestato a: Regione Toscana
    • Casuale: contributo iscrizione volontaria SSR anno ....
    • Ang halaga na kailangang bayaran ay depende sa kita at dapat kalkulahin ng ASL

Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng bagong dating ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)

  • Pagkakaroon ng doktor o pediatrician ng isang pamilya
  • Libreng pagpapa-ospital sa mga pampubliko at alternatibong ospital
  • pharmaceutical assistance
  • general medical check-up o pang-kalahatang pagsusuri ng doctor
  • spesyalisadong medikal na pagsusuri
  • medical check-up sa bahay
  • pagpapa-bakuna
  • blood test o pagsusuri ng dugo
  • X-ray
  • Ultrasounds
  • mga gamot
  • tulong sa rehabilitation at prosthesis
  • iba pang mga benepisyo na ibinibigay sa pangunahing mga antas ng pang-gagamot

Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU.)
Hanggang kailan may bisa ang rehistrasyon?
Ang rehistrasyon sa serbisyong pang-kalusugan ay may bisa na kasing-tagal ng validity ng permit to stay.
Kapag napaso na ito, ang trabahador ay mayroong anim na buwan upang i-renew ang pagkaka-rehistro sa pamamagitan ng pagdadala sa ASL ng resibo ng application ng pagre-renew ng kanyang permit to stay.
Tandaan: para sa mga tao na bago magkaroon ng permit to stay ng EU para sa pang-matagalang pananatili ay hindi maaaring magpa-rehistro ng libre sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon, ang rehistrasyon ay mag-eexpire sa ika-31 ng Disyembre at dapat i-renew taun-taon. Kahit na hindi sa umpisa ng taon magpa-rehistro, kailangan pa ring bayaran ang isang buong taon ng rehistrasyon.
Mga kaso kung kailan nawawala sa pagkaka-rehistro sa SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon

  • hindi na-renew ang permit to stay
  • pagkaka-walang bisa ng permit to stay
  • pagpapa-alis sa teritoryong italyano
  • paglipat ng tinitirahang rehiyon

Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center

Mga local health centers (Tuscany)
 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione