Regione Toscana
Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga menor de edad na mula sa mga bansa na kabilang at hindi kabilang sa EU

Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga menor de edad na mula sa mga bansa na kabilang at hindi kabilang sa EU

Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Libre at obligado ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga menor de edad na nasa teritoryong italyano, at hindi konektado sa permit to stay.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay maaaring gawin ng magulang (kahit may hawak na STP card (Stranieri Temporaneamente Presenti) - mga estranghero pansamantalang nananatili sa teritoryo), guardian o mga delegasyon, o kaya naman ay mga social workers na nangangalaga sa menor de edad.
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang bagong dating ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?
Ipinanganak sa Italya:
Codice Fiscale o taxpayer’s code ng menor de edad (kung mayroon na) o kaya naman ay self-certification ng pag-kaanak
Ipinanganak sa ibang bansa:
Birth certificate na translated: kung wala, tatanggapin ng ASL ang passport o iba pang dokumento ng menor de edad.
Mahalagang tandaan:
Kung halimbawang walang kahit isa sa mga nasabing dokumento, magbibigay ang ASL ng STP/ENI card. (link alla scheda STP/ENI)
Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng menor de edad ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)

  • Pagkakaroon ng doktor o pediatrician ng isang pamilya
  • Libreng pagpapa-ospital sa mga pampubliko at alternatibong ospital
  • pharmaceutical assistance
  • general medical check-up o pang-kalahatang pagsusuri ng doctor
  • spesyalisadong medikal na pagsusuri
  • medical check-up sa bahay
  • pagpapa-bakuna
  • blood test o pagsusuri ng dugo
  • X-ray
  • Ultrasounds
  • mga gamot
  • tulong sa rehabilitation at prosthesis
  • iba pang mga benepisyo na ibinibigay sa pangunahing mga antas ng pang-gagamot

Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU).
Hanggang kailan may bisa ang rehistrasyon?
Ang rehistrasyon sa serbisyong pang-kalusugan ay may bisa na kasing-tagal ng validity ng permit to stay.
Kapag napaso na ito, ang trabahador ay mayroong anim na buwan upang i-renew ang pagkaka-rehistro sa pamamagitan ng pagdadala sa ASL ng resibo ng application ng pagre-renew ng kanyang permit to stay.
Mga kaso kung kailan nawawala sa pagkaka-rehistro sa SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon

  • hindi na-renew ang permit to stay
  • pagkaka-walang bisa ng permit to stay
  • pagpapa-alis sa teritoryong italyano
  • paglipat ng tinitirahang rehiyon

Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center

Mga local health centers (Tuscany)
 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione