Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Libre at obligado ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa babaeng may permit to stay para sa pagpapa-gamot na esklusibo lamang sa pagbubuntis, para sa asawa at sa anak.
Kailan dapat gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
Kailangan magpa-rehistro ang babae at ang kanyang asawa matapos magpunta sa Questura o Police Headquarters upang humingi ng permit to stay at matapos makapagpa-rehistro sa Munisipyo ng paninirahan.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang babae at ang kanyang asawa ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?
Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng bagong dating ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)
Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU.)
Hanggang kailan may bisa ang rehistrasyon?
Kapag nakapanganak na, ang rehistrasyon sa serbisyong pang-kalusugan ay may bisa na anim na buwan pa, para sa babae, sa kanyang anak at sa kanyang asawa.
Mga kaso kung kailan nawawala sa pagkaka-rehistro sa SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon
Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center
Mga local health centers (Tuscany)