Regione Toscana
Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may: permit to stay for humanitarian reason

Pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga taong may: permit to stay for humanitarian reason

Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Libre at obligado ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga mayroong permit to stay for humanitarian reason.
Kailan dapat gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
Kailangan magpa-rehistro matapos magpunta sa Questura para sa pagre-request na magkaroon ng permit to stay at matapos makapagpa-rehistro sa Munisipyo ng paninirahan.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang tao ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?

  • Permit to stay o resibo ng pagbabayad ng application ng permit to stay. Kung pupunta na ang dala ay resibo lang, pansamantala lang muna ang gagawing pagre-rehistro na may tagal na mula isa hanggang tatlong buwan. Kapag nakuha na ang permit to stay, kailangan bumalik sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center upang kumpletuhin ang pagpapa-rehistro.
  • Codice fiscale o taxpayer’s code
  • Self-declaration ng residence o lugar na tinitirahan na kailangang fill-up-an sa ASL

Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng bagong dating ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany. Ang mga taong may permit to stay para sa asylum at subsidiary protection ay libre sa pagbabayad ng ticket.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)

  • Pagkakaroon ng doktor o pediatrician ng isang pamilya
  • Libreng pagpapa-ospital sa mga pampubliko at alternatibong ospital
  • pharmaceutical assistance
  • general medical check-up o pang-kalahatang pagsusuri ng doctor
  • spesyalisadong medikal na pagsusuri
  • medical check-up sa bahay
  • pagpapa-bakuna
  • blood test o pagsusuri ng dugo
  • X-ray
  • Ultrasounds
  • mga gamot
  • tulong sa rehabilitation at prosthesis
  • iba pang mga benepisyo na ibinibigay sa pangunahing mga antas ng pang-gagamot

Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU.)
Mga kaso kung kailan nawawala sa pagkaka-rehistro sa SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon

  • hindi na-renew ang permit to stay
  • pagkaka-walang bisa ng permit to stay
  • pagpapa-alis sa teritoryong italyano
  • paglipat ng tinitirahang rehiyon

Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center

Mga local health centers (Tuscany)
 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione