Ano ito?
Kailangan ang pagpaparehistro para magkaroon ng karapatan na makagamit ng mga serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Dipende sa sariling kagustuhan at may bayad ang pagpapa-rehistro sa SSR o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga mayroong permit to stay for elective residence. Ang iba pang paraan ay ang patuloy na pagbabayad sa private insurance (sa isang insurance company na italyano o estranghero) na may bisa sa Italya.
Ang permit to stay for elective residence ay ibinibigay sa mga mamamayan na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU na kayang ipakita ang pagkakaroon ng sapat na kayamanan upang mabuhay nang hindi nagtatrabaho (halimbawa ay mga pension, annuity, real estates,...)
Kailan dapat gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon
Kailangan magpa-rehistro ng tao matapos ipadala sa post office ang application ng pagre-request na magkaroon ng permit to stay at matapos makapagpa-rehistro sa Munisipyo ng paninirahan.
Paano gagawin ang pagpapa-rehistro?
Ang pagpapa-rehistro ay gagawin sa pamamagitan ng pagpunta sa Azienda Sanitaria Locale (ASL) o Local Health Center ng lugar kung saan naka-rehistro ang tirahan o ng lugar kung saan nakatira. Sa oras ng pagpapa-rehistro, pipili ang bagong dating ng magiging doktor na pampamilya, kung kanino maaaring magpacheck-up ng libre.
Anu-ano ang mga kailangang dokumento?
Ang “tessera sanitaria” o health card
Matapos ang pagpapa-rehistro, matatanggap sa bahay ng bagong dating ang “tessera sanitaria” o health card na makakatulong upang magamit ang lahat ng serbisyo na ibinibigay ng Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon ng Tuscany.
Anu-ano ang mga serbisyo at benepisyo ng SSR o Serbisyong Pang-kalusugan ng Rehiyon?
Ang listahang ito ay nagpapakita ng mga pangunahing serbisyo; ang Rehiyon ng Tuscany ay mayroon ding iba pang mga serbisyo (itanong sa mga health centers sa lugar na tinitirahan)
Pansamantalang pananatili sa ibang bansa na kabilang sa EU
Maaaring magamit ang serbisyong pang-kalusugan sa ibang bansa na kabilang sa EU sa pamamagitan ng pagpapakita ng Italian health card. (Babala: hindi lahat ng mga serbisyo na libre sa Italia ay libre rin sa ibang bansang kabilang sa EU.)
Hanggang kailan may bisa ang rehistrasyon?
Ang rehistrasyon ay mag-eexpire sa ika-31 ng Disyembre at dapat i-renew taun-taon. Kahit na hindi sa umpisa ng taon magpa-rehistro, kailangan pa ring bayaran ang isang buong taon ng rehistrasyon.
Para sa mga impormasyon
ASL o Local Health Center
Mga local health centers (Tuscany)