Regione Toscana
Visa para sa pag-aaral o internship - Visto per studio o tirocinio

Visa para sa pag-aaral o internship - Visto per studio o tirocinio

Maaaring makapasok ng Italya para makapag-aral o para sa internship ang mga mamamayang “non comunitari” o mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU, na may may passport at visa para sa pag-aaral o internship.
Ang visa ay hindi kinakailangan para sa mga mamamayan na mula sa ilang bansa: mula sa website www.esteri.it/visti ay maaaring malaman kung kailangan ng visa sa Italya, dipende sa citizenship, sa tinitirahang bansa, kung gaano katagal ang pagtigil sa Italya at kung ano ang dahilan.
Ano ang visa para sa pag-aaral o internship?
Ang visa para sa pag-aaral o internship ay isa sa mga paraan upang makapasok sa Italya upang manirahan ng matagal ngunit may nakatakdang panahon ng pananatili sa mga gustong mag-aral ng mga kurso sa unibersidad (kahit isahan lang), mga kurso ng high school, mga kurso na vocational o internship training.
Sino ang mga maaaring kumuha ng visa para sa pag-aaral o internship?

  • Mga estudyante na may edad na higit sa 18 taon na gustong kumuha ng mga kurso sa unibersidad na kaayon sa kanyang pinag-aralan sa pinang-galingang bansa.
  • Mga estudyante na may edad na higit sa 18 taon na pumasa upang makapag-aral ng mga kurso ng pag-aaral sa mga eskwelahan sa high school o mga kurso upang makapag-aral at mag-training bilang tekniko.
  • Mga estudyante na may edad mula 14 hanggang 18 taon na kasali sa mga exchange program o cultural initiatives, na nakatanggap ng awtorisasyon mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Education
  • Mga mamamayan na mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU na nais magsagawa ng mga aktibidad ng kooperasyon para sa pag-unlad na nasa programa ng Pamahalaang Italyano.
  • Mga mamamayan na mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU na nais mag-sagawa ng mga masususing pananaliksik o ng mataas na kultura.
  • Mga mamamayan na mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU na may edad na higit sa 18 taon na gustong um-attend sa mga intership courses (sa kasong ito, kailangan i-verify ang mga nakatakdang taunang quota)
  • mga estudyante na may edad na higit sa 18 taon na nais kumuha ng vocational course (sa kasong ito, kailangan i-verify ang mga nakatakdang taunang quota). Upang malaman kung sino ang nag-oorganize ng mga kurso sa Tuscany na magbibigay-daan upang makakuha ng visa sa pag-aaral, tingnan ang listahan ng Rehiyon ng Tuscany.

Ano ang mga kailangang dokumento?

  • Application form ng Visa (i-download ang application form mula sa website ng Department of Foreign Affairs)
  • 1 photo ID
  • 1 valid na travel document (ang expiration date ng dokumento ay dapat hindi bababa ng tatlong buwan kumpara sa expiration date ng hininging visa)
  • pagpapakita ng pagkakaroon ng mga mapagkukunan ng pangangailangan para sa panahon ng pananatili sa Italya (tingnan ang talahanayan ng Department of Foreign Affairs) o kaya naman ay ang deklarasyon ng pag-tatalaga ng scholarship (ang halaga ng scholarship ay hindi dapat mas mababa kaysa sa halaga na nakasaad sa talahanayan)
  • health insurance para sa mga pag-papagamot at pag-papaospital (ang insurance ay hindi kinakailangan kung ang bansa na pinanggalingan ng estudyante ay may kasunduan o kombensiyon sa Italy)
  • pagpapatala o pre-enrollment sa kurso na gusting pasukan sa Italya o pagpapakita ng aktibidad ng mga gagawing pananaliksik
  • pagkakaroon ng matitirahan: hotel reservation o dichiarazione di ospitalità, na ipapakita ng isang mamamayang italyano o ng isang non-EU citizen na nakatira sa Italya.

Iba pang mga dokumento na dapat ipakita sa mga sumusunod na kaso:

  • immatricolazione universitaria (pagpapa-rehistro sa unibersidad): konsultahin ang website ng Ministero dell’Istruzione www.studiare-in-italia.it
  • corsi di formazione professionale (mga vocational courses):
    • mga dokumento o records na nagpapatunay ng pag-aaral na ginawa sa pinagmulang bansa.
    • Pag-eenroll sa vocational course na gustong pasukan (isaad kung gaano katagal, ang programa, mga nakamit na certificates atbp.) Ang kurso ay dapat in-organize ng mga awtorisadong institusyon. (tingnan ang talahanayan ng Rehiyon ng Toscana). Ang kurso ay hindi dapat tumagal ng mahigit sa 24 na buwan at dapat ay naglalayong na magkamit ng pagkilala ng isang kwalipikasyon o sertipikasyon ng mga natutunan.
  • Exchange program and mobility:  enrollment sa mga programa na kinikilala o awtorisado sa exchange/mobility/ partnership na european (hal. Erasmus Plus) o pambansa.
  • internship: mga dokumento na may kaugnayan sa internship. Ang mga internship ay isinasagawa ayon sa isang kasunduan sa pagitan ng mga promoters at ng hosting employer.

Saan kukuha ng Visa?
Ang visa para sa pag-aaral ay maaaring hingin sa Embahada o mga Konsuladong Italyano sa sariling bansa.
Mga contact numbers ng mga Embahada at mga Konsuladong Italyano sa ibang bansa)
Ano ang dapat gawin kapag nakakuha na ng Visa?
Bago lumipas ang 8 araw mula sa pagpasok sa Italya, ang isang non-EU citizen ay dapat mag-apply ng permit to stay (tingnan ang talaan ng permit to stay para sa pag-aaral) (Vedi scheda permesso di soggiorno per studio) sa pamamagitan ng pagpunta sa isang post office na may “Sportello amico”.
Mga kapaki-pakinabang na websites na may mas maraming impormasyon:
http://vistoperitalia.esteri.it
www.studiare-in-italia.it
http://www.universitaly.it/

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione