Regione Toscana
Mga tanong at mga sagot tungkol sa permit to stay para sa pag-aaral o training

Mga tanong at mga sagot tungkol sa permit to stay para sa pag-aaral o training

1. Gaano katagal ang bisa ng permit to stay para sa pag-aaral o training?
Ang bisa ay may tagal na hanggang pinakamatagal ay 1 taon.

2. Maaari bang i-renew ang permit to stay para sa pag-aaral o training?
Ang permit to stay na ito ay maaaring i-renew taun-taon, para sa mga kurso na may tagal na mahigit sa isang taon.
Kung ang estudyante ay pumapasok sa unibersidad, ire-renew lamang ang permit to stay kung sa unang taon nag pagpasok sa kurso ay may naipasa siya na kahit isang pagsusulit o exam, at sa mga susunod na taon ay makakapasa sa kahit dalawang pagsusulit. Mga partikular na kaso:

  • malubhang karamdaman o sakit o pangyayari na hindi inaasahan (dapat ang mga ito ay may pruweba): sa ganitong kaso, ang pangalawang pagre-renew ng permit to stay ay maaaring gawin kahit na isang exam lamang ang naipasa ng estudyante.
  • titulo ng pagdadalubhasa o doctorate: sa ganitong kaso, ang permit to stay ay maaaring i-renew para sa buong panahon ng kurso.

Hindi maaaring ibigay ang permit to stay sa mahigit sa 3 taon na lalampas sa kurso ng pag-aaral

3. Maaari bang mag-trabaho ang may permit to stay para sa pag-aaral o training?
Oo, sa working hours na hindi lalagpas sa 20 oras sa isang linggo.

4. Maaari bang i-convert ang permit to stay para sa pag-aaral o para sa training?
Oo, pwede itong i-convert sa:

  • permit to stay for employment o pagtatrabaho bilang empleyado o para sa may sariling trabaho na nagtapos o nakuha ng isang post-graduate na mga qualifications sa Italya.
  • permit to stay for employment o pagtatrabaho bilang empleyado o para sa may sariling trabaho, sa panahon ng kurso, pagkatapos lamang ng paglalathala ng Decreto Flussi sa Gazzetta Ufficiale. (Ang bilang ng maaaring i-convert ay limitado).
  • permit to stay para sa relihiyosong dahilan, para sa mga estudyante na pagkatapos ng relihiyosong pag-aaral ay magsasagawa ng relihiyosong aktibidad sa Italya.

5. Maaari bang humingi ng nulla osta para makasama o magkaroon ng permit to stay ang ang kapamilya, ng isang tao na may permit to stay para sa pag-aaral o training?
Oo (tingnan ang talaan ng ricongiungimento familiare)

6. Maaari bang magparehistro sa Serbisyong Pang-kalusugan kung ang hawak na permit to stay ay para sa pag-aaral o training?
Oo, maaaring mag-request ng kusang-loob na pagpapatala ng Serbisyong pangkalusugan ng Rehiyon (l’iscrizione volontaria al Servizio Sanitario Regionale)

7. Maaari bang mag-request ng permit to stay para sa paghihintay na magkaroon ng trabaho ang isang estudyante na naka-graduate na sa unibersidad o nakapag-tapos ng doctorate o ng Postgraduate Specialization and Advanced Professional Training Courses sa Italya?
Oo, maaari siyang magpatala sa Centro per l’Impiego (Employment Center) at mag-apply ng permit to stay para sa paghihintay na magkaroon ng trabaho.

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione