Regione Toscana
Ang serbisyo na Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) para sa mga applications na ginagawa on-line

Ang serbisyo na Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) para sa mga applications na ginagawa on-line

Ang serbisyo ng pagpapadala ng mga applications sa pamamagitan ng computerized / online system forwarding ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob) , na maaaring magamit sa pamamagitan ng pag-log in sa website https://nullaostalavoro.dlci.interno.it ay magagamit ng employer para ipadala on-line ang application ng:

  • nullaosta para sa pagtatrabaho bilang empleyado, bilang domestic worker at seasonal employment (*);
  • nullaosta para sa mga partikular na kaso (art. 27 D.Lgs. n. 286/98);
  • nullaosta para sa pagtatrabaho bilang empleyado na may kinalaman sa pagiging guro sa mga eskwelahan at foreign universities na aktibo sa Italya (legge n.103/2002);
  • nullaosta sa pagpasok at pananatili para sa pang-agham na pananaliksik (scientific researches) (art. 27 ter D.Lgs. n. 286/98);
  • nullaosta para sa pagtatrabaho ng mga trabahador na may mataas na pinag-aralan at kwalipikasyon (pag-gawad ng Carta Blu UE) (art. 27-quater D.Lgs. n. 286/98);
  • nullaosta para sa pagtatrabaho bilang ng mga naninirahan ng matagal na panahon sa European Union. (*).

(*) para lamang sa mga limitasyon at paraan na nakasaad sa decreto flussi na lumabas sa kasalukuyang taon

At sa migrante, ang application ng:

  • nullaosta para sa ricongiungimento familiare (pagpetisyon ng kapamilya);
  • pagpapa-convert ng permit to stay mula sa dahilan ng pag-aaral upang maging permit to stay para sa pagtatrabaho bilang empleyado o self-employed para sa mga estudyanteng estranghero na naging mayor de edad o naka-graduate sa Italia ng kolehiyo at mayroong diploma ng bachelor’s degree o specialization at masters;
  • pagkuha ngpagsusulit o exam sa kaalaman sa wikang Italyano upang makapag-apply ng pang-matagalang permit to stay sa EU
  • pagpapadala ng mga personal na data ng kanyang pamilya para sa pagpirma sa Kasunduan para sa Integrasyon
  • pagpapa-rehistro upang makasali sa pagsusulit sa wikang italyano at/sibika kultura

Mga Hakbang na gagawin:
Pagpapa-rehistro sa system:
Upang magamit sa unang pagkakataon ang serbisyo ng pagpapadala ng mga applications sa pamamagitan ng computerized / online system forwarding, kailangang mag-sign up sa computerized / online system ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob), sa pamamagitan ng pagkumpila sa online form. Kailangan ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:

  • apelyido
  • pangalan
  • e-mail address
  • petsa ng kapanganakan
  • password

Para ipaalam ang kung anumang magiging problema sa parte ng registration ay may nakatakdang help desk.
Sa katapusan ng registration, ipapadala sa aplikante, sa pamamagitan ng isang e-mail, ang password upang makapasok at magamit ang serbisyo.

Upang makita at magamit ang mga forms para makumpilahan:
Upang makita ang mga forms online at makapag-kumpila ng mga ito, kailangan:

  1. Mag-log in sa website sa pamamagitan ng pag-insert ng sariling e-mail address at password
  2. Kapag naka-log-in na, i-click ang “Richiesta moduli” (paghingi ng mga forms);
  3. Piliin ang kailangang form mula sa listahan;
  4. Kumpilahan at ipadala ang form sa pamamagitan ng pagpindot sa key na “invia” (send). Sa kaliwa ng screen, makikita ang file na pwedeng i-download para sa pagkumpila ng application.

Para sa pagkumpila at pagpapadala ng mga application, maaaring magpatulong sa mga operator ng mga serbisyo sa imigrasyon ng mga Munisipyo o mga Patronato at mga asosasyon na nakatuon sa proteksyon at pagtulong sa mga bagay na may kinalaman sa imigrasyon at may pinirmahang mga akmang memorandum sa Ministero dell’Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob).

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione