Regione Toscana
Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) – Upang malaman ang kasalukuyang estado ng pag-aayos ng Nulla Osta sa trabaho, nulla osta sa pagpetisyon na makasama ang kapamilya at pagpapa-convert ng permit to stay

Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) – Upang malaman ang kasalukuyang estado ng pag-aayos ng Nulla Osta sa trabaho, nulla osta sa pagpetisyon na makasama ang kapamilya at pagpapa-convert ng permit to stay

Para sa bawat application na ipinadala sa pamamagitan ng computerized / online system forwarding ng mga applications ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob) , maaaring i-verify on-line ang estado o kasalukuyang lagay ng sariling application, sa pamamagitan ng pag-log in sa website https://nullaostalavoro.dlci.interno.it
Maaari ding makita ng isang mamamayan na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU at pumirma sa Kasunduan para sa Integrasyon ang estado ng kasunduan.

Mga hakbang na gagawin
Sa homepage, isulat ang mga data ng pagkakakilanlan ng aplikante:

  • e-mail na ginamit ng aplikante sa pagpapasok ng kanyang application
  • password na ginamit ng aplikante sa pagpapasok ng kanyang application

Kapag nakapag-log-in na, i-click ang link "Domande" (Mga applications) > "Inviate" (na naipadala na) (nasa bandang kaliwa ). Lalabas ang isang pahina na may talahanayan at mga detalyo kung saan nakalista ang mga applications na ipinadala ng user.
Piliin ang icon na "visualizza lo stato della pratica" (tingnan ang estado ng application), at makikita ang estado ng application na gustong malaman.

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione