Ang isang mamamayan na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa EU, na pumirma sa Kasunduan para sa Integrasyon sa pamamagitan ng computerized / online system ng Ministero dell’Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob) na makikita at magagamit mula sa link na https://accordointegrazione.dlci.interno.it
ay maaaring:
Mga hakbang na gagawin:
(mula sa:https://accordointegrazione.dlci.interno.it/Ministero/documentiAI/Istruz...)
Kung ang migrante ay hindi pa naunang magpa-rehistro upang ipadala ang mga data ng pamilya, at sa gayon ay magde-deklara ng mga nasabing data sa mismong operator sa oras ng pagpirma ng Kasunduan, siya ay bibigyan ng pansamantalang credentials.
Sa kanyang unang pag-gamit ng portal, sa pamamagitan ng pag-log in gamit ang mga pansamantalang credentials, siya ay ididirekta sa pahina na kung saan obligatory na hinihingi ang kanyang valid e-mail address at password (hindi bababa sa 8 characters, kahit mga espesyal, at may kahit isang number)
Ang operasyon na ito ay magreresulta ng pagpapadala ng isang e-mail sa e-mail address na ibinigay. Kailangang basahin ng nakatanggap ang e-mail at pindutin ang website na nakasulat dito para kumpirmahin.
Kung magiging maayos ang mga nakaraang operasyon, gagawin na ang registration ng bagong user na pwede nang makapasok sa website, gamit ang e-mail at password na isinulat.
Para sa user na pumirma sa Kasunduan para sa Integrasyon, kapag nakapag-log in na, makikita sa kaliwa ng screen ang nakasulat na item na "Accordo Integrazione" kung saan maaaring makita ang buong pahina na may mga detalyo. Ang mga makikitang data ay katugma ng sitwasyon sa oras ng pagpirma ng kasunduan at pinaghati-hati sa mga sumusunod na seksyon:
Mga data na may kinalaman sa pagpaparehistro sa eksamen o pagsusulit sa kultura sibika. Mula sa section na ito, maaaring ipa-reserve ang pagsusulit sa kaalaman sa kultura sibika sa pamamagitan ng pag-select sa “Richiesta Prenotazione”; Kukunin ng system ang kahilingan, at ipapa-reserve ang pwesto as soon as meron nang available. Ang mga data ng pagpapa-reserve (petsa at oras, lugar at estado) ay makikita sa website kapag nakapag-request na.
Sa pamamagitan ng nasabing computerized / online system ay matatagpuan din ang isang form ng pagpapadala online ng mga data ng buong pamilya (form CNF) kung saan, matapos ang pagpapadala ng application ng nulla osta ng employer, ang trabahador ay maaaring magpadala ng mga data ng kanyang pamilya upang idagdag sa mga impormasyon na kailangan para sa pagpirma ng Kasunduan para sa Integrasyon.
Para sa pagkumpila nito, kailangang mag-log-in at pumunta sa section na "Richiesta Moduli" (Modulo "CNF").