Regione Toscana
Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) – Upang malaman ang risulta ng pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano

Computerized / Online system ng Kagawaran ng Ugnayang Panloob (Ministero dell’Interno) – Upang malaman ang risulta ng pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano

Upang malaman ang risulta ng pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano para sa pagkakaroon ng pang-matagalang permit to stay (permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo) kailangang mag-sign in sa website ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob): https://testitaliano.interno.it

Mga hakbang na gagawin:

  1. Sa parteng kaliwa ng homepage, isulat ang mga data ng pagkakakilanlan ng aplikante:
  • e-mail na ginamit ng aplikante upang makilala ng computerized / online system ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob) para sa pag-aapply upang makapag-exam
  • password na ginamit upang makapag-log-in sa computerized / online system ng Ministero dell'Interno (Kagawaran ng Ugnayang Panloob) para sa pag-aapply upang makapag-exam

i-click ang "Invia" o “SEND” button.

2. Sa pahina ng "Servizi disponibili" (Mga serbisyo na available) ", na mabubuksan matapos mag-log-in gamit ang e-mail e password, i-click sa kaliwa ang "Domande" (mga katanungan)

3. Sa pang-gitnang talahanayan, na susunod na makikita, i-click ang iconna "magnifying glass" na katapat ng pangalan ng aplikante sa “Azioni” (Mga Aksyon)

4. Konsultahin ang risulta ng pagsusulit sa kaalaman ng wikang Italyano sa talaan na makikita.

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione