Regione Toscana
Pagpapa-convert ng student’s permit of stay upang maging worker’s permit of stay (bilang trabahador o empleyado) / Conversione del permesso di soggiorno per studio in permesso di soggiorno per lavoro subordinato

Pagpapa-convert ng student’s permit of stay upang maging worker’s permit of stay (bilang trabahador o empleyado) / Conversione del permesso di soggiorno per studio in permesso di soggiorno per lavoro subordinato

Mayroon akong student’s permit of stay at nais kong magtrabaho ng mahigit sa 20 oras sa loob ng isang linggo.

Ano ang dapat kong gawin? Cosa devo fare?
Kailangan mong palitan ang iyong permit of stay mula sa pagiging Student’s Permit of Stay upang maging Worker’s Permit of Stay.

Sa anong sitwasyon ako maaaring mag-apply ng conversion ng permit of stay? In quale caso posso fare la domanda di conversione del permesso di soggiorno?
Pwede kang mag-apply kung ikaw ay may permit of stay para sa mga estudyante, training o internship na hindi expired (o resibo ng pag-rerenew) at ikaw ay binigyan ng offer ng employment contract.
Ang kontrata sa trabaho ay dapat may duration na hindi bababa sa 6 na buwan at working hours na hindi bababa sa 20 oras sa loob ng isang linggo.

Kailan ako dapat mag-apply? Quando devo fare la domanda?
Dapat kang mag mag-apply ng conversion ng permit of stay mula sa pagiging student’s permit of stay upang maging worker’s permit of stay kapag mayroon nang paglalathala ng Decreto flussi sa Gazzetta Ufficiale na nagdidikta ng bilang ng mga available na pwesto kada taon. (Para sa mga impormasyon sa Decreto Flussi, magtanong sa mga Immigration Desks)
Tandaan: maaari kang mag-apply kahit anong oras kung naging ganap kang mayor de edad sa Italia (18 taon) o ikaw ay nagkamit ng bachelor’s degree o mga mas mataas pang degree sa mga pamantasan o unibersidad na italyana. (tingnan ang pahina ng impormasyon para sa kasong ito)

Paano mag-apply? Come devo fare la domanda?

1. Magparehistro sa website ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal para sa pagpapadala ng application: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it

2. Mula sa website piliin ang “Richiesta moduli” (“Paghingi ng mga application forms”)

3. Piliin ang Form VA – Pag-verify ng pagkakaroon ng isang quota para sa conversion at ng student’s, internship at/o professional training permit of stay sa worker’s permit of stay (bilang employee)

4. Sagutan ang form online

5. Ipadala ang form sa pamamagitan ng pagpindot sa “Ipadala (Send)” button

Kung kailangan mo ng assistance o tulong sa pagpapadala ng application, maaari ka ring magpunta sa mga Immigration Desks.

Ano ang dapat kong gawin matapos maipadala ang application? Cosa devo fare dopo aver inviato la domanda?

1. Padadalhan ka ng sulat ng Prefettura na nagsasaad ng date ng iyong appointment at listahan ng mga dokumentong kinakailangang dalhin:

  • marca da bollo na tig- € 16
  • students’s permit of stay na hindi expired o kung expired na kailangan na ay kailangang may resibo ng pagre-renew.
  • Photocopy ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan ng employer.
  • Photocopy ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan na hindi expired.
  • kontrata ng renta ng tinutuluyan na rehistrado sa  Agenzia delle Entrate o comunicazione di cessione di fabbricato (komunikasyon ng pagbibigay ng matutuluyan)

Kokontrolin ng Prefettura na ang mga deklarasyon na ginawa sa online form (Form VA) ay tumutugma sa mga dokumento na ipinasa mo.
Kung tumutugma lahat, aaprubahan ng Prefettura ang conversion at ibibigay sa’yo ang “contratto di soggiorno” (kontrata ng panunuluyan/pananatili).
Pipirmahan mo ang tatlong kopya ng kontrata at kukunin mo ang mga kopya upang papirmahan din sa iyong employer.

2. Sa ikalawang appointment sa Prefettura, kailangan mong dalhin ang mga kopya ng “contratto di soggiorno” na napirmahan mo at ng employer, kasama ang isang marca da bollo na tig- € 16
Bibigyan ka ng Prefettura ng kit (Form 209 at envelope)  para sa application ng permit of stay na kailangan mong pirmahan.
Bago ipadala ang envelope ng application sa Post Office, ipa-photocopy mo muna ang mga sumusunod na mga dokumento:

4 na photocopies ng application ng permit of stay na pinirmahan sa Prefettura:

  • 1 photocopy na pansarili mong kopya sa bahay
  • 1 photocopy na dadalhin sa Questura (sa araw ng appointment na ibibigay ng Post Office)
  • 1 photocopy na dadalhin sa Comune (para sa pagpaparehistro ng residence at pagkuha ng ID)
  • 1 photocopy na dadalhin sa ASL (para makakuha ng “tessera sanitaria” o health card)

      2 kopya ng “contratto di soggiorno” na pinirmahan sa Prefettura:

  • 1 kopya na ilalagay sa envelope ng application
  • 1 kopya na dadalhin sa Questura

3. Kailangan mong magpunta sa post office na may “Sportello Amico” at ipadala, gamit ang envelope na ibinigay sa’yo ng Prefettura, ang application form ng permit of stay at mga sumusunod na mga dokumento:

  • photopy ng pasaporte (mga pahina lamang na may photo at Visa)
  • photocopy “contratto di soggiorno”
  • photocopy ng permit of stay na valid pa o photocopy ng expired na permit of stay at photocopy ng resibo ng pagre-renew nito
  • resibo ng pagbabayad ng kontribusyon para sa permit of stay

Ipapaalam sa’yo ng Post Office kung kailan ka dapat magpunta sa Questura para sa unang appointment at bibigyan ka ng postal receipt ng application ng permit of stay.
Tandaan: Ang resibong ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito na maaari kang manatili sa Italia.

Ano ang dapat kong gawin sa Questura? Cosa devo fare in Questura?
Dapat mong dalhin pagpunta sa Questura ang apat na ID picture, photocopy ng application ng permit of stay (Form 209) at mag-pakuha ng finger prints.

Gaano katagal ang kailangan upang makuha ang permit of stay? Quanto tempo serve per avere il permesso?
Padadalhan ka ng Questura ng text message upang sabihin sa’yo ang araw kung kailan ka dapat magpunta sa Immigration Office ng Questura upang kunin ang iyong permit of stay.
Maaari mo ring makita ang estado ng iyong application sa website ng Polizia di Stato http://questure.poliziadistato.it/stranieri

Para sa mga impormasyon Per informazioni

Para sa pag-aapply ng conversion ng permit of stay à Prefettura (Sportello Unico para sa Imigrasyon)
Para sa application ng permit of stay à Questura (Immigration Office)

Aggiornamento: novembre 2017

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione