Ano ang dapat kong gawin? Come devo fare?
Kailangan mong palitan ang iyong permit of stay mula sa pagiging Student’s Permit of Stay upang maging Worker’s Permit of Stay.
Kailan ko kailangan gawin ang pag-aapply?Quando devo fare la domanda?
Maaari kang mag-apply kahit anong oras (hindi kailangang maghintay ng Decreto Flussi) kung:
ikaw ay naging ganap na mayor de edad habang nasa Italia.
O kaya naman
nakatanggap ka sa Italya ng isa sa mga sumusunod na kwalipikasyon/degree sa pag-aaral:
Paano mag-apply? Come devo fare la domanda?
Kung kailangan mo ng assistance o tulong sa pagpapadala ng application, maaari ka ring magpunta sa mga Immigration Desks.
Ano ang dapat kong gawin pagkatapos ipadala ang application? Cosa devo fare dopo aver inviato la domanda?
1. Padadalhan ka ng Prefettura ng sulat na nagsasaad ng date ng appointment at mga lista ng mga dokumento na dapat i-submit:
2. Kokontrolin ng Prefettura na ang mga deklarasyon na ginawa sa online form (Form Z2) ay tumutugma sa mga dokumento na ipinasa mo at bibigyan ka ng Kit (Form 209 at envelope) para sa application ng permit of stay na kailangan mong pirmahan.
3. Pagkatapos nito, kailangan mong magpunta sa Post Office na may Sportello amico at ipadala, gamit ang envelope na ibinigay sa’yo sa Prefettura, ang application ng permit of stay (Form 209) at mga sumusunod na dokumento:
4. Ipapaalam sa’yo ng Post Office kung kailan ka dapat magpunta sa Questura para sa unang appointment at bibigyan ka ng postal receipt ng application ng permit of stay.
Tandaan (Attenzione) : Ang resibong ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito na maaari kang manatili sa Italia.
Ano ang dapat dalhin sa Questura? Cosa devo portare in Questura?
Dapat mong dalhin pagpunta sa Questura ang apat na ID picture, photocopy ng application ng permit of stay (Form 209) at mag-pakuha ng finger prints.
Gaano katagal ang kailangan upang makuha ang permit of stay? Quanto tempo serve per avere il permesso?
Padadalhan ka ng Questura ng text message upang sabihin sa’yo ang araw kung kailan ka dapat magpunta sa Immigration Office ng Questura upang kunin ang iyong permit of stay.
Maaari mo ring makita ang estado ng iyong application sa website ng Polizia di Stato
http://questure.poliziadistato.it/stranieri
Para sa mga impormasyon Per informazioni
Para sa pag-aapply ng conversion ng permit of stay à Prefettura (Sportello Unico para sa Imigrasyon)
Para sa application ng permit of stay à Questura (Immigration Office)
Aggiornamento: novembre 2017