Regione Toscana
Pagpapa-convert mula sa pagiging student’s permit of stay (permiso ng pananatili para sa pag-aaral) upang maging permit of stay ng isang self-employed.

Pagpapa-convert mula sa pagiging student’s permit of stay (permiso ng pananatili para sa pag-aaral) upang maging permit of stay ng isang self-employed.

Conversione del permesso di soggiorno per studio in permesso di soggiorno per lavoro autonomo

Ako ay isang estudyante at nais kong magsimulang magtrabaho bilang self-employed.

Ano ang dapat kong gawin? Come devo fare?
Kailangan mong palitan ang iyong permit of stay mula sa pagiging Student’s Permit of Stay upang maging Worker’s Permit of Stay.

Kailan ko kailangan gawin ang pag-aapply? Quando devo fare la domanda?
Maaari ka lamang mag-apply ng pagpapa-convert ng student’s permit of stay sa worker’s permit of stay kapag mayroon nang paglalathala ng Decreto flussi sa Gazzetta Ufficiale na nagdidikta ng bilang ng mga available na pwesto kada taon. (Para sa mga impormasyon sa Decreto Flussi, magtanong sa mga Immigration Desks.)

Tandaan (Attenzione): maaari kang mag-apply kahit anong oras kung naging ganap kang mayor de edad sa Italia (18 taon) o ikaw ay nagkamit ng bachelor’s degree o mga mas mataas pang degree sa mga pamantasan o unibersidad na italyana.
(tingnan ang pahina ng impormasyon para sa kasong ito)

Paano mag-apply? Come devo fare la domanda?

  1. Magparehistro sa website ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal para sa pagpapadala ng application: https://nullaostalavoro.dlci.interno.it
  2. Mula sa website piliin ang “Richiesta moduli” (“Paghingi ng mga application forms”)
  3. Piliin ang Form Z – Pag-verify ng pagkakaroon ng isang quota para sa self-employment at certification na nagpapatunay ng pagkakaroon ng mga requirments para sa self-employment.
  4. Sagutan ang form online.
  5. Ipadala ang form sa pamamagitan ng pagpindot sa “Ipadala (Send)” button.

Ano ang dapat kong gawin matapos maipadala ang application? Cosa devo fare dopo avere inviato la domanda?
1. Kung umabot ka at mapasali sa mga available na pwesto ng Decreto Flussi, padadalhan ka ng sulat ng Prefettura na nagsasaad ng date ng iyong appointment. Kailangan mong dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

  • marca da bollo na tig- € 16
  • students’s permit of stay na hindi expired o kung expired na kailangan na ay kailangang may resibo ng pagre-renew.
  • Photocopy ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan na hindi expired.
  • kontrata ng renta ng tinutuluyan na rehistrado sa  Agenzia delle Entrate o comunicazione di cessione di fabbricato (komunikasyon ng pagbibigay ng matutuluyan)
  • dipende sa uri ng self-employment na nais mong gawin, kailangan mong mag-dala ng karampatang mga requirements

(Mga dokumento na kailangan para sa iba’t ibang uri ng self-employment)

2. Kokontrolin ng Prefettura na ang mga deklarasyon na ginawa sa online form (Form Z) ay tumutugma sa mga dokumento na ipinasa mo at bibigyan ka ng Kit (Form 209 at envelope) para sa application ng permit of stay na kailangan mong pirmahan.

3. Pagkatapos nito, kailangan mong magpunta sa Post Office na may Sportello amico at ipadala, gamit ang envelope na ibinigay sa’yo sa Prefettura, ang application ng permit of stay (Form 209) at mga sumusunod na dokumento:

  • Photocopy ng iyong pasaporte (mga pahina lamang na may photo, visa at mga tatak)
  • Photocopy ng valid na student’s permit of stay o photocopy ng student’s permit of stay na expired at photocopy ng resibo ng renewal.
  • Resibo ng pagbabayad ng kontribusyon para sa permit of stay

Ipapaalam sa’yo ng Post Office kung kailan ka dapat magpunta sa Questura para sa unang appointment at bibigyan ka ng postal receipt ng application ng permit of stay.

Tandaan (Attenzione): Ang resibong ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito na maaari kang manatili sa Italia.

Ano ang dapat dalhin sa Questura? Cosa devo portare in Questura?
Dapat mong dalhin pagpunta sa Questura ang apat na ID picture, photocopy ng application ng permit of stay (Form 209) at mag-pakuha ng finger prints.

Gaano katagal ang kailangan upang makuha ang permit of stay? Quanto tempo serve per avere il permesso di soggiorno?
Padadalhan ka ng Questura ng text message upang sabihin sa’yo ang araw kung kailan ka dapat magpunta sa Immigration Office ng Questura upang kunin ang iyong permit of stay.
Maaari mo ring makita ang estado ng iyong application sa website ng Polizia di Stato http://questure.poliziadistato.it/stranieri

Para sa mga impormasyon Per informazioni
Para sa pag-aapply ng conversion ng permit of stay à Prefettura (Sportello Unico para sa Imigrasyon)
Para sa application ng permit of stay à Questura (Immigration Office)

Aggiornamento: novembre 2017
 

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione