Regione Toscana
Pagpaparehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) o Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga kapamilya na may edad na mula 65 taong gulang pataas na dumating sa Italya dahil pinetisyon ng kapamilya.

Pagpaparehistro sa Servizio Sanitario Regionale (SSR) o Regional Health Service o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga kapamilya na may edad na mula 65 taong gulang pataas na dumating sa Italya dahil pinetisyon ng kapamilya.

Iscrizione al Servizio Sanitario Regionale (SSR) per familiari di età maggiore a 65 anni arrivati in Italia per ricongiungimento familiare

Ako ay 65 taong gulang o mas matanda pa, at dumating ako sa Italya sa pamamagitan ng pagpetisyon ng aking kapamilya at kailangan kong humingi ng permit of stay na pampamilya sa kauna-unahang pagkakataon.

Ano ang dapat kong gawin para makatanggap ng mga serbisyo mula sa  Servizio Sanitario Regionale? Cosa devo fare per avere i servizi del Servizio Sanitario Regionale?

- maaari kang magpa-rehistro na may bayad sa Servizio sanitario regionale

o kaya

- magbayad ng isang private insurance sa isang isang Italian o foreign insurance institute na kinikilala sa Italya.

Tandaan: ang pribadong insurance ay dapat

  • kinikilala at may bisa sa Italia;
  • mayroong kumpletong coverage ng mga panganib sa kalusugan;
  • magkaroon ng duration na isang taon at nakasulat ang petsa ng umpisa at petsa ng katapusan;
  • nakatalà ang mga kapamilya na sakop ng insurance at ang antas ng pagiging kamag-anak;
  • nakalagay kung paano ang gagawin para makahingi ng refund;
  • nakasulat sa wikang italyano.

Magkano ang dapat kong bayaran para sa pagpaparehistro sa Servizio Sanitario Regionale? Quanto devo pagare per fare l’iscrizione al Servizio Sanitario Regionale?

Mayroong dalawang sitwasyon: Ci sono due casi:

1. Wala kang income o pensyon: ang halaga na dapat bayaran ay nakadipende sa income ng pamilya (ibig sabihin, income ng anak mo na nagpetisyon sa’yo at ng lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya):

  • para sa income na hanggang € 5.165,00, ang kontribusyon na babayaran ay € 387,34
  • para sa income na hanggang € 20.658,28, ang kontribusyon na babayaran ay kasing-halaga ng 7,5% ng income

(halimbawa, sa isang family income na € 18.500 ang kalkulasyon na gagawin ay ang sumusunod:

             18.500 x 7,5 = 138.750 :100 = euro 1.387,50)

  • para sa income na mas mataas sa € 20.658,28 ang kontribusyon na babayaran ay kasing-halaga ng 7,5% ng 20.658,28 + ang 4% ng diperensya sa pagitan ng iyong income (hanggang sa pinakamataas na €  51.645,69) at € 20.658,28

            (halimbawa, sa income na € 22.000:

            para sa unang bahagi (hanggang € 20.658,28) dapat mong kalkulahin ang 7,5% (20.658,28 x      7.5 = 154.937: 100 = 1.549,37);

            para sa ikalawang bahagi (ang diperensya sa pagitan ng 22.000 – 20.658,28 = 1.341,72) dapat mong kalkulahin ang 4% (1.341,72 x 4 = 5.366,88:100 = 53,67).

            Pagkatapos ay dapat mong pagsamahin ang resulta ng dalawang kalkulasyon: € 1.549,37 +        53,67 = € 1.603,04.

 

2. Mayroon kang income o  natatanggap na pensyon:

  • kung ikaw at ang iyong asawa ay parehong nakakatanggap ng pensyon o may sari-sariling income: dapat ninyong mapatunayan na nakakatanggap kayo ng pensyon o may mga income sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga dokumento, na translated at legalized sa Italian Consulate/Embassy , mula sa inyong bansang pinagmulan (hindi pwede ang self-certification) at dapat kayong magbayad ng 2 bollettini sa posta ng kontribusyon base sa inyong income (tingnan sa itaas kung paano kalkulahin ang halaga ng kontribusyon)
  • Kung ikaw at ang iyong asawa ay carico o nakadipende financially, halimbawa, ang asawa na walang income o pensyon sa asawa na  may income o natatanggap na pensyon mula sa bansang inyong pinagmulan:   kung sinuman sa inyong mag-asawa ang may income ay dapat magpakita ng patunay na may natatanggap na pensyon o may income sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga dokumento, na translated at legalized sa Italian Konsulado o Embahada, mula sa inyong bansang pinagmulan (hindi pwede ang self-certification) at dapat kayong magbayad ng 1 bollettino sa posta ng kontribusyon na valid para inyong dalawa (tingnan sa itaas kung paano kalkulahin ang halaga ng kontribusyon)

Paano ako magbabayad? Come faccio a pagare?

  1. Kumuha ka ng payment slip (bollettino) sa kahit saang Italian Post Office at fill-up-an mo ito ng mga sumusunod na datos:
    • Number ng Postal Bank Account o conto corrente postale: 289504
    • Intestato sa: Regione Toscana
    • Causale: contributo iscrizione volontaria SSR anno … (kontribusyon sa boluntaryong pagpaparehistro sa SSR sa taong ….)
    • Isulat ang halaga na nakalkola batay sa mga halimbawa na nakasulat sa itaas)
    • Bayaran ang bollettino  postale sa post office at ingatan ito
       

Ano ang dapat gawin matapos magbayad? Cosa devo fare dopo aver pagato?

Dapat kang magpunta sa Prefettura (o sa Questura para sa Ricongiungimento in deroga) upang mag-apply na makakuha ng permit of stay. Hihingian ka ng Prefettura at ng Questura ng resibo ng pagbabayad sa Azienda sanitaria localat ASL.
Pagkatapos maipadala  sa Post Office ang Kit na ibinigay sa’yo sa Prefettura (o pagkatapos maipasa ang application form ng permit of stay sa o dopo aver consegnato la richiesta di permesso di stay sa Questura) maaari ka nang pumunta sa Comune para “magpa-residenza” (magparehistro sa munisipyo bilang residente).

Paano gawin ang pagpapa-rehistro sa Servizio Sanitario Regionale? Come si deve fare l’iscrizione al Servizio Sanitario Regionale?
Sa iyong pagpasok sa teritoryong Italyano, pagkatapos ng appointment sa Prefettura o Questura para sa application ng permit of stay, dapat mong ipadala by email sa ASL ng lugar kung saan ka nakatira ang mga kopya ng mga sumusunod na dokumento:

  • Form 209 (application form ng iyong permit of stay) at mga resibo sa post office in case na ang application ay ginawa sa Sportello Unico sa Prefettura
  • cedolino (resibo mula sa Questura) kung sa mismong Questura kayo nag-apply ng permit of stay
  • ang iyong CODICE FISCALE o taxpayer’s code
  • self-certification ng iyong pagiging residente ng lugar
  • self-certification ng family income (ng anak na nasa Italya) kung ikaw ay walang income o natatanggap na pensyon
  • mga dokumentasyon na nagpapatunay ng iyong income sa bansang pinagmulan o ng natatanggap na pensyon, translated at legalized sa Italian Consulate/Embassy              
  • resibo ng pagbabayad ng bollettino postale sa Post Office

Ano ang gagawin ko para ma-kumpleto ang pagpapa-rehistro? Come devo fare per completare l’iscrizione?
Dapat kang magpunta sa ASL ng lugar kung saan ka residente o lugar kung saan ka nakatira.
Sa oras ng pagpapa-rehistro, dapat kang pumili ng doktor ng pamilya, kung saan maaari kang magpunta na walang bayad.
Pagkatapos ng pagpapa-rehistro, matatanggap mo sa bahay nyo ang tessera sanitaria o health care card” na kakailanganin mo para magamit ang mga serbisyo ng Servizio Sanitario Regionale.

TANDAAN: dapat nakasulat ang iyong apelyido sa doorbell ng inyong bahay o sa post box, kung hindi ay baka hindi mo matanggap ang iyong tessera sanitaria.

Anu-ano ang mga serbisyo ng Servizio Sanitario Regionale? Quali sono i servizi del Servizio Sanitario Regionale?
Sa listahan na ito matatagpuan ang mga pangunahing serbisyo pero ang Rehiyon ng Tuscany ay nagbibigay rin ng ibang mga serbisyo (itanong kung ano ang mga ito sa mga Health Centers sa lugar kung saan ka nakatira).

  • Pagkakaroon ng family doctor o pediatrician
  • libreng pagpapaospital sa mga pampublikong ospital o accredited na pribadong ospital
  • tulong sa mga gamot
  • general medical check-ups sa klinika.
  • partikular na medical check-ups
  • medical check-up sa bahay
  • pagpapa-bakuna
  • eksamen ng dugo
  • x-rays
  • ultrasounds
  • mga gamot
  • pag-aalaga matapos ang mga trauma o mga operasyon at para sa prosthesis

Ano ang mangyayar kung pupunta ka ng panandaliang panahon sa ibang bansa na kabilang sa European Union (halimbawa bilang turista)? Cosa succede se vai per poco tempo in un altro Paese dell’Unione Europea UE (ad esempio per turismo)?
Sa ibang bansa na kabilang sa EU, maaari kang makatanggap ng serbisyong pangkalusugan, sa period na hindi lalagpas sa 90 araw, sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong tessera sanitaria italiana o Italian healthcare card (Tandaan: hindi lahat ng libreng serbisyo sa Italya ay libre din sa ibang mga bansa ng EU).

Gaano katagal na may bisa ang pagiging rehistrado? Per quanto tempo è valida l’iscrizione?
Ang rehistrasyon sa healthcare service ay mawawalang bisa sa ika-31 ng Disyembre at dapat ay i-renew taun-taon.
Ang babayaran ay dapat para sa buong isang taon kahit na anong buwan ka na ng taon magpa-rehistro.

Sa anong mga pagkakataon maaaring hindi magpatuloy ang rehistrasyon sa Servizio Sanitario Regionale? In quali casi viene interrotta l’iscrizione al Servizio Sanitario Regionale?

  • kung hindi na-renew ang permit of stay
  • kung pawawalang bisa ang permit of stay
  • kung mapapa-alis sa Italya
  • para sa pagbabago ng rehiyon kung saan residente

Para sa mga impormasyon: Per informazioni:
Aziende sanitarie locali - ASL Regione Toscana

Aggiornamento: Novembre 2018

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione