Regione Toscana
Pagkilala sa natapos na pinag-aralan o mga propesyunal na kwalipikasyon / Riconoscimento dei titoli di studio o delle qualifiche professionali

Pagkilala sa natapos na pinag-aralan o mga propesyunal na kwalipikasyon / Riconoscimento dei titoli di studio o delle qualifiche professionali

Ano ito? Cos’è?
Ito ay isang pamamaraan kung saan ang ilan sa mga kagawarang italyano ay magdedesisyon kung ang natapos na pinag-aralan o propesyunal na kwalipikasyon na iginawad sa iyo sa ibang bansa ay may halaga rin sa Italia.

Para saan ito?A cosa serve?

  • upang makapagtrabaho base sa naging training mo
  • upang makakuha ng trabaho kung saan ay hinihingi ang isang propesyunal na titulo (ibig sabihin ay kung saan kailangan ay nakarehistro sa isang albo professionale o rehistro ng isang partikular na propesyon), tulad sa kaso, halimbawa, ng doktor, nurse, abogado, arkitekto.
  • Upang makapagtrabaho sa isang propesyon na tinatawag na regolamentata (mga propesyon kung saan obligado ang pagpapatala sa rehistro ng isang partikular na propesyon), base sa propesyunal na kwalipikasyon sa sektor ng craftsmanship, kalakalan o ng industriya

Kailan ko dapat gawin ang pagkilala sa natapos na pinag-aralan? Quando devo fare il riconoscimento?

  • bago pumunta sa Italya upang magkaroon ng student visa

para sa mga impormasyon: http://www.studiare-in-italia.it/studentistranieri/

  • kapag ikaw ay nasa Italya na upang magsimulang muli ng pag-aaral, um-attend sa mga kurso sa pamantasan o unibersidad, sumali sa mga pampublikong kompetisyon, magtrabaho sa sektor ng mga propesyon na tinatawag na regolamentata (mga propesyon kung saan obligado ang pagpapatala sa rehistro ng isang partikular na propesyon) o hindi regolamentata, umattend sa mga kursong propesyunal.

para sa mga impormasyon:

http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag-2.aspx

Sino ang dapat manghingi nito? Chi lo deve chiedere?

  • mga mamamayan na mula sa mga bansang hindi kabilang sa EU
  • mga mamamayan na mula sa mga bansang kabilang sa EU
  • mga mamamayan na kabilang sa mga nakatanggap ng international protection.

Paano ang gagawin ko? Come devo fare?

Para sa pagkilala:

  • ng natapos na pinag-aralan (ang pagkilala ay maaaring nauugnay sa mga natapos na pag-aaral sa unibersidad at mataas na paaralan). Tingnan dito:

http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag-2.aspx

  • ng pinag-aralan o propesyunal na kwalipikasyon. Tingnan dito:

http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag_1.aspx

  • upang makapag-enroll sa isang training course. Tingnan dito:

http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag_3.aspx

  • upang makasali sa mga pampublikong patimpalak, ibig sabihin makapag-trabaho sa Italian Public Administration. Tingnan dito:

 http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag_4.aspx

Anong dokumento ang kailangan ko upang masimulan ang mga procedures na inilarawan sa taas? Che documento mi serve per iniziare le procedure descritte sopra?
Kailangan mo ng dichiarazione di valore in loco (deklarasyon ng halaga sa kinaroroonan)
 

Ano ang dichiarazione di valore in loco (deklarasyon ng halaga sa kinaroroonan) Che cos'è la dichiarazione di valore in loco?
Ang dichiarazione di valore in loco ay isang opisyal na dokumento na nakasulat na wikang italyano, at ipinagkakaloob ng Konsuladong Italyano sa ibang bansa, na maikling naglalarawan ng natapos na pinag-aralan ng isang tao sa eskwelahan o unibersidad na bahagi ng isang sistema ng edukasyon na naiiba sa sistema ng edukasyon sa Italya.
Ang “dichiarazione di valore in loco” ay maaaring magkumpirma ng validity ng natapos na pinag-aralan upang magawa ang trabaho sa isang partikular na propesyon sa loob ng bansa na nagkaloob nito (halimbawa para sa mga interpreters); ito ay isang dokumento na nagbibigay lamang ng impormasyon, hindi ito ang mismong pagkilala sa iyong pinag-aralan.

Ano ang maaaring mangyari matapos kong mag-apply ng pagkilala sa aking natapos na pinag-aralan o ng propesyunal na kwalipikasyon? Cosa può succedere dopo che ho chiesto il riconoscimento di un titolo di studio o di una qualifica professionale?
Ang iyong natapos na pinag-aralan o propesyunal na kwalipikasyon ay maaaring: Il tuo titolo di studio o qualifica professionale può essere:

  • kilalanin at samakatuwid ay magkaroon ng legal na halaga sa Italya (sa kasong ito ang diploma ay equipollente o may katumbas na halaga). Kabilang rin dito ang mga diploma na ipinagkaloob sa mga bansa na may kasunduan kasama ng Italya:

http://www.esteri.it/mae/it/politica_estera/cultura/universita/riconoscimento_titoli_studio/accordi_studio.html. Kung mayroong “equipollenza”, ibig sabihin ay katumbas na halaga, maaari kang magtrabaho, pumasok sa mga propesyon na hindi “regolamentate” o kailangan ng pagpapatala sa rehistro ng isang partikular na propesyon, maging isang “praticante” o trainee (halimbawa bilang arkitekto o abogado), sumailalim sa mga state exams, sumali sa mga pampublikong patimpalak, o magpatuloy sa tinatahak na landas ng edukasyon.

  • Idineklarang equivalente o idineklarang katulad at sa gayon ang iyong natapos na pinag-araòan ay may halaga ngunit para lamang makasali sa isang partikular na pampublikong patimpalak

http://www.integrazionemigranti.gov.it/Attualita/Approfondimenti/approfondimento/Pagine/Riconoscimento_titolo_pag_4.aspx

  • parzialmente riconosciuto o hindi buo/hindi kumpletong pagkilala at dahil dito ay kailangan mong umattend ng training course upang makompleto ang iyong training at maaaring mo nang magamit nang legal ang iyong diploma sa Italia

  • hindi kinikilala at samakatuwid ayt walang legal na halaga sa Italya.

Aggiornamento: novembre 2017

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione