Upang makakuha ng permit of stay ng Europeran Union (EU) para sa mga long-term residence, kailangan kong maipakita na nakakaintindi ako at nakakapagsalita ng wikang italyano, pero hindi ito kailangan sa mga sumusunod na sitwasyon:
- nagkamit ka sa Italya ng diploma ng middle school (natapos ang 3rd year ng middle school) (diploma di scuola secondaria di primo grado (terza media)
- nagkamit ka sa Italya ng diploma ng high school (sa lyceum o technical o vocational institutes (diploma di scuola secondaria di secondo grado (liceo o istituto tecnico o istituto professionale)
- um-attend ka ng isang italian language course na may level A2 sa isang CPIA o Centri Provinciali per l’Istruzione degli Adulti at nakapasa ka sa huling pagsusulit o final test.
- Nakatanggap ka ng sertipikasyon sa kaalaman ng wikang Italyano na level A2 o mas mataas pa mula sa Università degli Studi Roma Tre, Università per stranieri di Perugia, Università per gli stranieri di Siena, Società Dante Alighieri o iba pang mga authorized na tanggapan.
- Mayroon kang diploma CELI, CILS, PLIDA o CERT.IT sa wikang italyano na level A2 na iginawad sa’yo sa ibang bansa bago ka makarating sa Italya.
- Pumapasok ka sa Unibersidad o nagma-masters or doctorate sa isang pamantasan o unibersidad na italyano.
- Nakumpleto mo na ang kurso na itinakda ng Kasunduan para sa Integrasyon at natanggap mo na ang pahayag ng pagtupad sa kasunduan (decreto di adempimento) ng Prefettura.
- Nakatanggap ka ng proteksyong internasyonal.
- Mayroon kang carta soggiorno dahil kamag-anak ka hanggang ikalawang grado ng isang italian o EU citizen (asawa, magulang, anak, kapatid, apo – anak ng anak)
- mayroon kang karamdaman o sakit na hadlang upang makapag-aral at matuto ka ng wikang italyano.
Paano ko mapapatunayan na mayroon akong karamdaman o sakit na hadlang upang makapag-aral at matuto ka ng wikang italyano? Come faccio a dimostrare di avere una malattia che mi impedisce di studiare e imparare la lingua italiana?
Una sa lahat, kailangan mong magpunta sa inyong doktor ng pamilya. Igagawa ka ng iyong doktor ng unang certificate at pagkatapos ay papupuntahin ka sa mediko legal ng ASL (Azienda Sanitaria Locale).
Paano ko patutunayan na kaya kong mag-salita at makaintindi ng wikang italiano? Come faccio a dimostrare di conoscere già la lingua italiana?
Maglagay ka ng photocopy ng mga dokumento na nagpapatunay ng iyong kaalaman ng wikang italyano o kaya naman ay patunay na hindi mo kayang matuto (diploma, katunayan, certificate ng mediko legal ng ASL…) sa loob ng KIT ng application ng permit of stay na pangmatagalang panahon.
Aggiornamento: novembre 2017