Paano ako magbabayad? Come devo pagare?
Para makapagbayad, kailangan mong gumamit ng bollettino postale na matatagpuan sa loob ng kit (envelope na naglalaman ng application form ng permit of stay). Maaaring humingi ng kit sa post office na mayroong Sportello amico.
[tingnan dito kung ano ang itsura ng bollettino postale]
Magkano ang dapat kong bayaran? Quanto devo pagare?
- 30,46 €: bata na may edad na 13 taong gulang pababa + isa pang 30, 46 €: para i-update ang permit of stay ng magulang (sa ganitong kaso, kailangan mong gumamit ng dalawang magkaibang bollettino pero isang kit lang ang gagamitin upang ipadala ang application).
- 30,46 €: menor de edad mula 14 hanggang18 taong gulang
- 70,46 €: permit of stay na may bisa mula 3 buwan hanggang 1 taon.
- 80,46 €: permit of stay na may bisa mula 1 taon hanggang 2 taon
- 130,46€: permit of stay UE para sa “soggiornanti di lungo periodo” o pang-matagalang pananatili, mga direktor o managers at mga staff na may matataas na kwalipikasyon (gamit ang form D ng artikulo 27); Intra-Company Transfer (ITC)
- 30, 46 €: paghingi ng duplikado, pag-update at conversion ng permit of stay.
Kailangan mo ng isang marca da bollo na tig-16 €. Ang bayad sa pagpapadala ng Kit sa post office ay 30 €.
Aggiornamento: novembre 2017.