Regione Toscana
STP Card: Servizio Sanitario Regionale (SSR) o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga non-European Union citizens na hindi regular o hindi naaayon sa batas ang pagpasok at pananatili sa Italya

STP Card: Servizio Sanitario Regionale (SSR) o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon para sa mga non-European Union citizens na hindi regular o hindi naaayon sa batas ang pagpasok at pananatili sa Italya

STP Card (Stranieri Temporaneamente Presenti): Servizio Sanitario Regionale (SSR) per cittadini non comunitari non in regola con le norme sull'ingresso e il soggiorno in Italia

Ano ito? Cos’è
Ang mga non-Eu citizen na hindi regular o hindi naaayon sa batas ang pagpasok at pananatili sa teritoryong Italyano ay makakatanggap ng mga mabilisan, mahahalaga at tuloy-tuloy na pang-gagamot.

  • Mabilisang pang-gagamot: ay mga pag-gamot na hindi maaaring ipagpaliban pagkat malalagay sa peligro ang buhay ng tao o magkakaroon ng pinsala sa kalusugan nito.
  • Mahahalagang pang-gagamot: ay mga pag-gamot na may kinalaman sa mga sakit na hindi mapanganib sa maikling panahon, pero maaaring maging dahilan ng malaking problema sa kalusugan o maglagay sa peligro ng buhay ng pasyente kung hindi maaagapan.
  • Tuloy-tuloy na pang-gagamot: ay mga pag-gamot na nagpapahintulot na ipagpatuloy ang pang-gagamot sa mas mahabang panahon.

Paano makakuha ng STP card? Come si fa il tesserino STP?
Ang STP card ay maaaring:

  • ibibigay ng Pronto Soccorso o ng mga lokal na sentrong pangkalusugan (ASL) sa oras ng unang medikal na pang-gagamot
  • hingin ng pasyente upang magsimula ng pagpapagamot

Ang mga taong walang permit of stay na hihingi ng serbisyo ng pagpapagamot ay hindi irereport sa Pulis.

Anong mga dokumento ang kailangan? Quali documenti sono necessari?

  • Dokumento ng pagkakakilanlan o deklarasyon ng pangalan, apelyido, kasarian, araw ng kapanganakan at nasyonalidad
  • deklarasyon na ang pasyente ay kasalukuyang may problemang pinansyal
  • deklarasyon na hindi maaaring magparehistro sa “Servizio Sanitario regionale” (SSR) o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon, at na ang pasyente ay walang health insurance

Mga pang-gagamot kung saaan magagamit ang STP card / Cure garantite dal tesserino STP

  • tulong sa pagbubuntis at pagkapanganak
  • tulong sa kalusugan ng menor de edad
  • mga bakuna
  • internasyonal na prophylaxis at pang-gagamot sa mga nakakahawang sakit
  • pang-gagamot at rehabilitasyon sa kaso ng pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Gaano kalawak ang sakop at gaano katagal ang bisa ng STP card? Per quanto è valida l’iscrizione?
Ang STP card ay may bisa sa buong teritoryo ng bansang Italya  at may bisang 6 na buwan, at maaaring i-renew.

Para sa mga impormasyon / Per informazioni
Mga lokal na sentrong pangkalusugan o Aziende Sanitarie Locali (Tuscany)

Aggiornamento: novembre 2017

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione