Regione Toscana
Permit of stay para sa mga kasalukuyang naghihintay na makahanap ng trabaho na nagtapos sa unibersidad sa Italia / Permesso di soggiorno per attesa occupazione per laureati in Italia

Permit of stay para sa mga kasalukuyang naghihintay na makahanap ng trabaho na nagtapos sa unibersidad sa Italia / Permesso di soggiorno per attesa occupazione per laureati in Italia

Nag-aral ako sa Italia (ginawaran ng bachelor’s, doctorate o master’s degree) pero wala pa akong nahanap na trabaho / Ho studiato in Italia (laurea, dottorato o master) ma non ho ancora trovato un lavoro

Ano ang dapat kong gawin para makapanatili sa Italya habang ako ay naghahanap ng trabaho? Cosa devo fare per rimanere in Italia mentre cerco lavoro?
Kailangan mong mag-apply na makakuha ng permit of stay “per attesa occupazione” (habang naghihintay na magkatrabaho).

Kailan ako dapat mag-apply? Quando devo fare la domanda?
Bago
ma-expire ang iyong student’s permit of stay.
Tandaan (Attenzione): Dapat mong tandaan na para maipadala ang application ng permit of stay “per attesa occupazione” matapos mong grumadweyt at magkamit ng bachelor’s, doctorate o master’s degree, kailangan mong magparehistro sa Centro per l’Impiego.

Paano ko ipapadala ang application? Come devo inviare la domanda?

  1. Magpunta sa Sportello amico ng post office at humingi ng “kit” (isang envelope, application form at mga instructions o gabay sa pagkumpila) upang maipadala ang iyong application.
  2. sagutan ang application form.
  3.  i-submit ang application form at mga requirements sa post office

Ano ang mga requirements na kakailanganin ko? Quali documenti mi servono?

  • 1 marca da bollo na tig - € 16
  • 1 photocopy ng pasaporte del passaporto (mga pahina lamang na may photo, visa at mga tatak)
  • resibo ng pagpaparehistro sa Centro per l'impiego
  • certification ng natapos na pag-aaral na ibinigay o ibibigay sa’yo ng Pamantasan o Unibersidad.
  • Resibo ng pagbabayad ng kontribusyon para sa permit of stay

4.  Ipapaalam sa’yo ng Post Office kung kailan ka dapat magpunta sa Questura para sa unang appointment at bibigyan ka ng postal receipt ng application ng permit of stay.
Tandaan

Attenzione): Ang resibong ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito na maaari kang manatili sa Italya.

Ano ang dapat kong gawin sa Questura? Cosa devo fare in Questura?
Dapat mong gawin ang mga sumusunod:

  1. Magdala ng apat na ID picture
  2. Dalhin ang orihinal na kopya ng pagpaparehistro sa Centro per l’Impiego.
  3. Mag-pakuha ng finger prints.

Gaano katagal ang kailangan upang makuha ang permit of stay? Quanto tempo serve per avere il permesso?
Padadalhan ka ng Questura ng text message upang sabihin sa’yo ang araw kung kailan ka dapat magpunta sa Immigration Office ng Questura upang kunin ang iyong permit of stay.
Maaari mo ring makita ang estado ng iyong application sa website ng Polizia di Stato http://questure.poliziadistato.it/stranieri

Para sa mga impormasyon / Per informazioni
Questura (Immigration Office)

Aggiornamento: novembre 2017

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione