Regione Toscana
Nullaosta para sa mga trabaho na may mataas na kwalipikasyon o highly-qualified jobs (para sa tinatawag na “Carta Blu UE”) / Nullaosta al lavoro altamente qualificato (per Carta Blu UE)

Nullaosta para sa mga trabaho na may mataas na kwalipikasyon o highly-qualified jobs (para sa tinatawag na “Carta Blu UE”) / Nullaosta al lavoro altamente qualificato (per Carta Blu UE)

Ako ay isang employer at gusto kong kuhanin bilang trabahador or empleyado ang isang non-European Union na mamamayan na may mataas na kwalipikasyon o highly qualified.

Ano ang dapat kong gawin? Cosa devo fare?
Dapat kang humingi ng nullaosta sa Prefettura upang mai-hire mo sa Italia ang isang non-European Union na mamamayan na may mataas na kwalipikasyon at kasalukuyang nasa ibang bansa.
Listahan ng mga propesyon o trabaho na may mataas na kwalipikasyon (ang mga ito ay ang mga nasa level 1,2,3 sa website ng ISTAT)

 

Pwede ba akong mag-apply para makakuha ng nullaosta? Posso chiedere il nullaosta?
Oo, kung ikaw ay isang employer na Italyano o kaya naman ay isang employer na mula sa isang bansa na kabilang sa European Union o mula sa isang bansa na hindi kabilang sa European Union na rehistrado bilang residente sa Italia at may regular na permit of stay.
Ang trabaho ay dapat gagawin sa Italia.

 

Kailan ko dapat gawin ang pag-aapply para makakuha ng nullaosta? Quando posso fare la domanda?

1. Kung kailan mo gusto

o kaya naman ay

2. kung ang empleyado na mula sa isang bansa na hindi kabilang sa European Union ay mayroon nang hawak na Carta Blu UE na iginawad sa kanya ng ibang bansa na kabilang sa European Union, kailangan kang mag-apply bago lumipas ang isang buwan mula sa pagpasok ng trabahador o empleyado sa Italya.

 

Paano mag-apply? Come devo fare la domanda?

  1. Magparehistro sa website ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal para sa pagpapadala ng application:

      https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/Index2.jsp

  1. Mula sa website piliin ang “Richiesta moduli” (“Paghingi ng mga application forms”)
  2. piliin ang Form BC “Pag-aapply na makakuha ng nullaosta para sa mabigyan ng Carta Blu UE”

o kaya naman

kung ang kompanya ay kasapi sa Confindustria o pumirma ng Memorandum of Understanding kasama ng Kagawaran ng Interyor at Kagawaran ng Paggawa at Empleyo, piliin ang Form CBC.

4. Sagutan ang form online

5. Ipadala ang form sa pamamagitan ng pagpindot sa “Ipadala (Send)” button.

 

Ano ang mangyayari pagkatapos maipadala ang application? Che succede dopo che ho inviato la domanda?

1. Kokontakin ka ng Prefettura

2. Sa araw ng appointment sa Prefettura kailangan mong dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

  • marca da bollo na tig- € 16
  • photocopy ng iyong dokumento ng pagkakakilanlan
  • photocopy ng pasaporte ng non-European Union citizen na gusto mong i-hire.
  • Ang deklarasyon ng halaga ng pinag-aralan ng   non-European Union citizen na kukuhaning trabahador o empleyado.
  • Proposal ng kontrata na may tagal na hindi bababa sa 1 taon at may annual salary na hindi bababa sa € 24.790,00 para sa taong 2017.
  • para lamang sa mga regulated professions, kailangan ng pagkilala ng professional qualification ng trabahador or empleyado sa Italya. Kung mayroong “albo professionale” o rehistro ng propesyon, kailangan ng pagpapatala sa nasabing rehistro.

3. Titingnan ng Prefettura ang mga dokumento at sasabihan ka ng pirmahan ang “contratto di soggiorno”

4. Dapat mong ipaalam sa trabahador o empleyado na ibinigay na ng Prefettura ang nullaosta.

5. Kailangang kontakin agad ng trabahador o empleyado ang Konsulado o Embahadang Italyana sa kanyang bansang kinaroroonan para humingi ng Entry Visa sa Italya.

 

Gaano katagal ang hihintayin ko para makuha ang nullaosta? Quanto tempo devo aspettare per avere il nullaosta?
Hindi lalagpas ng 90 araw mula sa araw ng iyong pag-aapply.

Para sa iba pang mga impormasyon / Per avere altre informazioni
Prefettura (Sportello Unico para sa Imigrasyon)

Aggiornamento: novembre 2017.

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione