Regione Toscana
Pagsusulit sa wikang Italyano at Sibika’t Kultura para sa kasunduan sa integrasyon - Test di lingua italiana e cultura civica per l’accordo di integrazione

Pagsusulit sa wikang Italyano at Sibika’t Kultura para sa kasunduan sa integrasyon - Test di lingua italiana e cultura civica per l’accordo di integrazione

Pinirmahan ko ang kasunduan sa integrasyon dalawang taon na ang nakakalipas pero wala akong certificate o patunay ng kaalaman sa wikang Italyano na may antas na A2 na hinihingi ng Ministero dell’Interno o Kagawaran ng Interyor.

Ho firmato l’accordo di integrazione due anni fa ma non ho il certificato di conoscenza della lingua italiana di livello A2 richiesto dal Ministero dell’Interno.

Ano ang dapat kong gawin? /Cosa devo fare?
Maaari kang magpa-rehistro sa libreng pagsusulit sa wikang italyano at sibika’t kultura na inoorganisa ng Prefettura.
Maaari mong gamitin ang link na ito: https://accordointegrazione.dlci.interno.it.
Kailangan mong gamitin ang username at password na natanggap mo noong pinirmahan mo ang kasunduan:

Ano ang bumubuo sa pagsusulit? / Com’è fatto il test?
Ang pagsusulit ay nahahati sa dalawang bahagi: isang bahagi sa pamamagitan ng pagsusulat at isang bahagi sa pamamamagitan ng pakikipag-usap.
Para sa bahaging nakasulat:
•    basahin ang isang nakasulat na teksto at sagutin ang ilang mga katanungan
•    makinig sa isang naka-record na teksto at sagutin ang ilang mga katanungan
•    magsulat ng isang maiksing teksto
Para sa bahagi ng pakikipag-usap:
•    sagutin ang ilan sa mga katanungan tungkol sa Italya, sa Saligang Batas ng Italya, sa ilang mga dokumento (tulad ng tessera sa sanitaria o health card, dokumento ng pagkakakilanlan)

Mayroon akong malubhang sakit at hindi ako pumirma sa kasunduan para sa integrasyon. Kailangan ko bang gawin ang pagsusulit? / Ho una grave malattia e non ho firmato l’accordo di integrazione. Devo fare il test?
Hindi, sapagkat ang mga taong may malubhang sakit na noong nag-apply sila sa unang pagkakataon ng permit of stay ay may dala silang medical certificate mula sa Local health center (ASL) o mula sa doktor ng pamilya ay hindi kailangang pumirma ng kasunduan sa Integrasyon at hindi kailangang gawin ang pagsusulit. Sila ay bibigyan pa rin ng permit of stay.

Pumirma ako ng kasunduan para sa integrasyon dalawang taon na ang nakakaraan ngunit hindi ko na maaaring gawin ang pagsusulit sa wikang Italyano at sibika’t kultura dahil mayroong akong malubhang sakit. Ano ang dapat kong gawin? Ho firmato l’accordo di integrazione due anni fa ma adesso non posso fare il test di lingua italiana e cultura civica perché ho una grave malattia. Cosa devo fare?
Kailangan mong dalhin sa Prefettura ang isang medical certificate mula sa Local health center (ASL) o mula sa doktor ng pamilya na nagsasaad na mayroon kang malubhang sakit na dahilan upang hindi ka matuto ng isang wika. Sa paraang ito, hindi mo kailangang gawin ang pagsusulit.

Aggiornamento: febbraio 2019

 

La traduzione della scheda informativa è stata finanziata dal progetto Sportello Multilingue: Mediazione e Informazione