Ano ang dapat kong gawin? / Cosa devo fare?
Kailangan mo munang maintindihan kung kailangan mo nga ng tourist visa – “visiting family or friends”.
Paano ko malalaman kung kailangan ko ng entry visa? / Come faccio a sapere se ho bisogno del visto d'ingresso?
Kailangan mong tingnan ang website na vistoperitalia.esteri.it ng Ministero degli Esteri(o Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Italya.
Isulat mo sa search box ang iyong bansa at mga hinihinging impormasyon.
Gaano katagal ako maaaring manatili sa Italya kung mayroon akong tourist visa - “visiting family or friends” ? / Quanto tempo posso stare in Italia con il visto d'ingresso per turismo - visita famiglia / amici?
Maaari kang manatili sa Italya hanggang 90 araw at dapat ang iyong pasaporte ay may bisa pa na hindi bababa sa 3 buwan pagkatapos ng validity ng iyong bisa. (halimbawa: kung ang iyong visa ay mawawalan ng bisa sa ika-10 ng agosto 2018, ang iyong pasaporte ay dapat mawawalan ng bisa pagkatapos ng ika-10 ng nobyembre 2018.)
Ang tourist visa – “visiting family or friends” ba ay may bisa lamang sa Italya o maaari ding magamit papunta sa ibang bansa? / Il visto d'ingresso per turismo - visita famiglia / amici è valido solo per l'Italia o anche per altri Paesi?
Kung ang iyong visa ay USV (Uniform Schengen Visa) maaari kang magpunta sa Italya at sa ibang mga bansa na kabilang sa Schengen Area.
[IMMAGINE 1]
Kung ang iyong visa ay LTV (Limited Territorial Validity Visa), sa Italya ka lamang maaaring magpunta.
Anong mga dokumento ang kailangan ko para mabigyan ng tourist visa - “visiting family or friends”? / Quali documenti mi servono per avere il visto d'ingresso per turismo - visita famiglia / amici?
Ang lista ng mga dokumento at mga forms na kailangan mo ay matatagpuan mo sa website na vistoperitalia.esteri.it
Ang taong nagpapatuloy sa iyo ay dapat sagutan ang Comunicazione di cessione di fabbricato o di ospitalità (o Komunikasyon para sa pagbibigay ng lugar na matutuluyan) at pagkatapos ay ipadala ito sa iyo sa pamamagitan ng post, kasama ang kanyang ID at residence permit kung siya ay isang non-EU citizen.
Babala: Maaaring hingian ka ng Embahada o ng Konsuladong Italyano sa iyong bansa ng ibang mga dokumento na wala sa listahan.
Aggiornamento: febbraio 2019