Ano ito? / Cosa è?
Ang Codice Fiscale ay pinaghalo-halong mga letra at mga numero.
Kailan ito kailangan? / Quando è utile?
Kailangan ito tuwing magpupunta sa mga tanggapang pampubliko (halimabawa upang maghanap at makakuha ng trabaho, upang magbayad ng buwis, upang matanggap ang “tessera sanitaria” o healthcare card o tulong pangkalusugan o pati na rin sa pag-e-enroll ng mga anak sa eskwelahan), ngunit kailangan rin ito para makabili ng Sim card para sa cellphone o makapagbukas ng bank account o para mabigyan ng resibo sa pagpapa-appointment sa pribadong medical check-up.
Ano ang hitsura nito? / Come è fatto?
Ito ay isang simpleng papel na may pangalan, apelyido, araw at bansa ng kapanganakan ng isang tao, Sa bandang itaas sa kaliwa, nakasulat ang codice fiscale o taxpayer’s code. Kapag nakapag-apply na ng pagpaparehistro sa Servizio Sanitario Regionale o Serbisyong Pangkalusugan ng Rehiyon, ipapadala sa bahay ng aplikante ang asul na card kung saan nakasulat din ang codice fiscale.
Hindi na kailangan magpunta sa Agenzia delle Entrate upang humingi ng kulay berdeng card.
Ako ay isang non-European Union citizen na kadarating lang sa Italya sa pamamagitan ng Visa at kailangan ko ng codice fiscal o taxpayer’s code. / Sono un cittadino non europeo appena entrato in Italia con un visto d’ingresso e ho bisogno del codice fiscale.
Ano ang kailangan kong gawin? / Cosa devo fare?
Kung nag-apply para sa’yo ng nulla osta para sa family reunification o para sa subordinate o seasonal employment, ang Prefettura ang magbibigay sa’yo ng codice fiscale o taxpayer’s code sa araw ng appointment upang magpagawa ng application ng permit of stay.
Kung ikaw ay dumating sa Italya gamit ang student’s visa, elective residence visa at motibong relihiyoso, kailangan mong magpunta nang personal sa Agenzia delle Entrate upang makakuha ng codice fiscale.
Kung ikaw ay dumating sa Italya gamit ang tourist visa, hindi ka maaaring mag-apply ng codice fiscale.
Ilang taon na ang nakakalipas, nag-apply ako sa Agenzia delle Entrate ng codice fiscale o taxpayer’s code para sa mga kapamilya ko na nakadipende sa akin (anak, asawa at magulang), kahit na wala sila sa teritoryo ng bansa, upang maisali sila sa pagdedeklara ko ng sweldo kada taon; kahit kalian ay hindi ko pa natanggap ang card kung saan nakasulat ang kanilang codice fiscale. Ano ang kailangan kong gawin? / Qualche anno fa ho chiesto all’Agenzia delle Entrate il codice fiscale dei miei familiari a carico (figli, coniuge e genitori), che ancora non si trovavano sul territorio nazionale, per inserirli nella dichiarazione dei redditi; non ho mai ricevuto la tessera con scritto il codice fiscale. Cosa devo fare?
Kung ang mga kapamilyang nabanggit ay nandito na ngayon sa Italia, na dumating sa pamamagitan ng family reunification, mas mainam na bago magpunta sa Prefettura upang magpagawa ng application ng permit of stay ay magpunta muna sa Agenzia delle Entrate, upang tingnan kung mayroon na ngang codice fiscale ang nasabing kapamilya at upang mabigyan kayo ng kopyang papel. Kailangang dalhin ang dokumentong ito sa Prefettura sa araw ng appointment ng pagpapagawa ng application ng permit of stay para sa mga dumating na kapamilya. Hindi maaaring bigyan ng Prefettura ng codice fiscale ang kapamilya kung ito ay naibigay na dati ng Agenzia delle Entrate.
Nag-apply ako na makakuha ng Proteksyong Internasyonal. Paano ako magkakaroon ng codice fiscale? / Ho chiesto la protezione internazionale. Come faccio per avere il codice fiscale?
Ang codice fiscale mo ay matatagpuan mo sa permit of stay na ibibigay sa’yo ng Questura.
Aggiornamento: luglio 2018